Lani: Sisitahin ako ni Sen. Bong 'pag pumapangit ako | Bandera

Lani: Sisitahin ako ni Sen. Bong ‘pag pumapangit ako

Reggee Bonoan |February 11,2020
facebook
share this

Lani: Sisitahin ako ni Sen. Bong ‘pag pumapangit ako

Reggee Bonoan - February 11, 2020 - 12:42 AM

LANI MERCADO AT BONG REVILLA

MAS conscious pala si Sen. Bong Revilla sa pigura at itsura ng asawang si Bacoor Mayor Lani Mercado. Kapag medyo tsuma-chubby na si misis ay sinasabihan talaga niya itong mag-diet.

Sa nakaraang thanksgiving party nilang mag-asawa para sa entertainment press kamakailan ay pinansin naming hindi nagbabago ang itsura ng ina ng Bacoor.

“Sisitahin ako ni Senator Bong kapag pumapangit ako,” nakatawang sabi ng actress-politician. “Gusto niya maayos ka, ‘oh, you’re gaining weight’ kapag nakitang tumataba na ako, ‘magpapayat ka,’” sabi ni Mayor Lani.

Para mapanatili ang kanyang beywang ay inalam namin kung ano ang sikreto niya, “Diet. This past week I got sick because of the Taal eruption (tumulong sa mga nasalanta) so medyo nag-lie low ako sa exercise, I had to attain my immune system again,” kuwento nito.

Anong klaseng exercise ang ginagawa niya? “I don’t use the elevator, I use the stairs sa City Hall as much as possible tapos ‘yun nga, I monitor what I eat. Wala akong oras mag-gym but I tried to do zumba at least twice a year.”

Kaya dalawang beses sa isang taon ay dahil may pa-zumba si mayora para sa kanyang constituents kapag founding anniversary at city mode, “It’s a big event kaya I normally joined them kaya nga dapat once a week mayroon man lang akong exercise.”

Ibinuking ng wifey ni Sen. Bong na mas grabeng mag-exercise si mister, “Siya hindi siya mabubuhay ng hindi nage-exercise.”

Paano naman siya inaalagaan ng kanyang hubby? “With work, with advise, ano siya, very thoughtful, nagreregalo. He verbalizes his feelings for me, pisikal din siya, he hugs me, sweet siya,” pag-amin ng aktres.
Tinanong rin namin kung sino ang nag-aalaga sa maganda niyang mukha dahil makinis at walang wrinkles, “Ha-hahaha! Nagpapaganda? I-advertise ko talaga? Huwag na baka magtampo ‘yung iba.
“Si Bong pa ang magpapaalala sa akin na pumunta tayo sa ganito (facial clinic). Pero mas madalas siyang pumunta kaysa sa akin kasi ako kahit once a month lang okay na ako. Plus vitamin C lalo na ngayon (corona virus) kasi kailangan mong i-strengthen ang immune system mo,” ani Mayora.

* * *

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending