Empress Schuck umayaw sa Indie movie: Lahat ng eksena puro sex! | Bandera

Empress Schuck umayaw sa Indie movie: Lahat ng eksena puro sex!

Julie Bonifacio |February 11,2020
facebook
share this

Empress Schuck umayaw sa Indie movie: Lahat ng eksena puro sex!

Julie Bonifacio - February 11, 2020 - 12:36 AM

INAYAWAN ni Empress Schuck ang isang movie offer sa kanya recently. Valid naman ang reason niya kung bakit ‘di niya ito tinanggap

“Hindi ko siya kayang gawin,” malungkot na sabi ni Empress.

Isang indie film at wala pa raw title ang movie. Then, we asked her kung sexy ba ang tema nito.

“Oo, as in puro sex,” natatawang say ni Empress. Hindi na rin daw niya inalam kung sino ang makaka-partner niya sana sa movie.

“Wala, hindi pa umabot sa ganoon. Parang pinabasa lang muna ang script. Hindi ko pa kaya ‘yung ganoon,” tawa ulit niya.

Kahit may anak na si Empress, nananatili pa rin naman ang pagiging wholesome actress niya. At ‘di naman sexy star ang image niya sa showbiz simula pa noon, “Hindi pa ganoon kalakas ang loob ko. Kasi, bawat eksena may sex, e.”

Kahit ‘di niya tinanggap ang naturang movie, may mga pelikulang natapos na niyang gawin ang ‘di pa naipalalabas. Tulad ng “Lumang Bakal” na pinagbibidahan ni Lito Lapid at ang “A Mother’s Story” with Snooky Serna.

“Hindi pa lahat ipalalabas. Baka ini-edit pa,” sambit ni Empress.

We asked her again kung hanggang saan lang ang pwede niyang gawin pagdating sa mga intimate scenes,

“Pwede naman (gumawa siya ng sexy movie),” sabi niya. “Pero huwag naman ‘yung every scene, may sex. Doon kasi medyo intense.”

Itinanggi naman niya na ang partner niya at ama ng anak niyang si Athalia, na si Vino Guingona ang dahilan kaya iwas siya sa mga pa-seksi na roles, “Ah, hindi. Hindi rin niya binabawalan. Ako pa rin ang may sagot. Pero, ayoko.”

Eksklusibong nakapanayam namin si Empress sa grand opening ng ikalimang branch ng kanyang company-owned na “King’s Cup Blends” sa SM Center/Hypermart sa Las Piñas.

Ito ang kauna-unahan at natatanging milk tea/beverage store sa Pinas na may edible 16-karat gold flakes and zero fructose Fuijan Bubble Milk Tea.

“Yes, binibida pa rin namin ‘yung gold flakes namin. Kami lang naman ang may ganoon and locally made kami. Lahat ng mga powder namin, syrups namin, kami rin ang gumagawa,” ani Empress.

Bilang pambuena-mano nila sa 2020, nagbukas sina Empress at Andrei ng bagong branch ng King’s Cup Blends sa SM Center, Las Piñas.

“First of all, dito nakatira si Andrei,” ngiti ni Empres. “Kaya very accessible. Saka company-owned nga. Malakas daw ‘to. Marami raw tao ang area na ‘to, kaya perfect siya.”

Parang kailan lang nu’ng nagbukas sila ng kauna-unahang branch ng King’s Cup sa Farmer’s Cubao, And now, ka-partner na nila ang SM Hypermart, huh!

Samantala, kinumusta namin ang pagsi-celebrate ni Empress ng Pasko at Bagong Taon, “Masaya, Tita. Nag-celebrate kami ng Christmas dito lang, sa house ng parents ko. New Year, doon kami sa Saranggani (bayan ni Vino).”

First time raw niyang mag-celebrate ng New Year sa Saranggani, “Okey lang. Masaya naman. Kasi, wala siyang internet. Walang signal. So, kailangan pumunta ka sa town, mga 10 minutes, para may internet ka. Okey siya, kakaiba siyang experience.

“Kasi, ‘di ba, sanay na sanay tayo sa cellphone natin, internet, ganyan. So, nakaka-ano talaga, nakakapanibago, unwind kapag nandoon.”
Ano ang regalo sa kanya ni Vino? “Ay! Ano ba gift sa akin ni Vino? Wala. Ni-request ko lang mag-shopping, ganyan. Ha-hahaha!”

Ayaw na raw kasi nila ng surprise gift. Mas gusto nila ‘yung inaalam na kung ano ‘yung gustong iregalo sa isa’t isa.

“So, nagtanungan lang kami. Walang surprise-surprise. Dito na kami sa Manila nag-shopping kasi wala namang mall doon. Kaya after New Year na kami nagregaluhan. Para naka-sale raw,” natatawang kwento ni Empress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In return, niregaluhan naman ni Empress si Vino ng pang-workout na damit, “Kung ano ‘yung gusto niya, kasi nagko-compete siya sa CrossFit (sports), parang triathlon. Pero wala lang, walang swimming, walang biking. Puro ano lang, buhat, takbo, ganyan. Sa akin naman pang-arte-arte.”

Next week, Valentine’s Day na kaya inalam namin kay Empres ang plano nila ni Vino, “Wala, hindi naman kasi kami ganoon, e. Ang Valentine namin dinner lang. Minsan nag-i-staycation. Actually, ‘yung last ano namin sa Tagaytay, e,” tsika pa ni Empress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending