Mismong fans pa ang nagkakalat sa socmed: Sikat na female star burara | Bandera

Mismong fans pa ang nagkakalat sa socmed: Sikat na female star burara

Cristy Fermin |February 11,2020
facebook
share this

Mismong fans pa ang nagkakalat sa socmed: Sikat na female star burara

Cristy Fermin - February 11, 2020 - 12:34 AM

HANGGANG ngayon ay matindi pa rin ang paglalaban ng dalawang kampo na dating magkakampi. Ewan kung kanino nanggaling ang unang hakbang ng kanilang paghihiwalay.

Nabigla na lang ang lahat dahil nagkani-kanyang kampo na sila, nag-uupakan na, kani-kanyang pintas na sila sa mga dati nilang iniidolo.

Matapang ang kampo ng babae, pero hindi rin naman nagpapatinag ang kampo ng lalaki, personal ang kanilang paglalaban na ang mga dati nilang idolo ang napupuruhan.

Kuwento ng isang source, “May mga natitira pa namang solid sa kanila. ‘Yun ang mga faney na naniniwalang ang mga idolo pa rin nila ang magkarelasyon.

“My boyfriend na ang girl, pero ayaw nilng maniwala, front lang daw ‘yun, dahil ang totoong nagmamahalan pa rin, e, ang mga idols nila!

“May paniniwala pa nga sila na meron na raw anak ang mga idolo nila, pero itinatago lang, dahil sa career nila. Pero meron daw talaga, hindi lang sila umaamin, nasa poder daw ng idolo nilang babae ang bata,” unang chika ng aming impormante.

Isang grupo ng mga tagahanga ng dalawang sikat na personalidad ang nagpakalat ng kuwento na burara ang female personality. Kahit daw sa kanyang sasakyan ay walang kaayus-ayos ang babae.

Balik-kuwento ng aming source, “Wala naman silang capacity na palutangin ‘yun dahil hindi naman nila nakikita ang loob ng sasakyan ng girl, e!

“Labas lang ang nakikita nila, pero ang makapasok sa van ng girl, e, hindi nangyayari ‘yun, kaya paano at bakit nila masasabing burara ang idolo nilang babae? Halatadong paninira lang ‘yun, gusto lang talaga nilang saktan ang girl, dahil nakipagrelasyon sa iba.

“Sana lang, e, matanggap na lang nila na hindi talaga para sa isa’t isa ang mga idolo nila. Wala namang problema du’n sa dalawa, ang mga faney lang nila ang nag-aaway-away!

“Tahimik lang ang guy, ni hindi nga siya nagsasalita, pero despite that, e, hinahanapan pa rin siya ng butas ng mga bashers d’yan! Patahimikin na sana nila ang dalawa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May kani-kanyang buhay na sila sa totoo lang, tanggap na nila na hanggang pang-oncam lang ang relasyon nila, hindi totoo ‘yun sa tunay na buhay!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Bigay na bigay na kung sinu-sino sila, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio. May iba pa ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending