Ruffa hinabol ng hanger ang manlolokong dyowa: Du'n sa girl, mas maganda ako sa kanya! | Bandera

Ruffa hinabol ng hanger ang manlolokong dyowa: Du’n sa girl, mas maganda ako sa kanya!

Ervin Santiago |February 10,2020
facebook
share this

Ruffa hinabol ng hanger ang manlolokong dyowa: Du’n sa girl, mas maganda ako sa kanya!

Ervin Santiago - February 10, 2020 - 05:29 PM

RUFFA GUTIERREZ

TAWA nang tawang ibinandera ni Ruffa Gutierrez ang isang eksena sa buhay niya nang mahuli ang ex-boyfriend na may ibang babaeng kinakalantari.

Huling-huli raw niya ang dating dyowa na nanloko sa kanya kaya agad niya itong iniwan pero hinding-hindi raw niya malilimutan ang ginawa niya sa guy.

“Alam mo mahilig ako sa hanger eh, hinabol ko ng hanger yung lalake. I won’t waste my wrinkles on the girl no. Bahala siya, alam kong mas maganda ako at mas may saysay ako sa kaniya,” pagbabalik-tanaw ni Ruffa nang mag-guest sa Magandang Buhay kanina.

Hirit pa niya, “Grabe! Talagang lumabas ang pagka-Annabelle Rama ko!” Hindi na pinangalanan ng aktres ang manlolokong lalaki at kung ilang taon tumagal ang relasyon nila.

Masaya raw si Ruffa ngayon kahit single mom siya sa kanyang dalawang anak na sina Venice at Lorin. Natutuwa siya na lumalaking mabuti at masunuring ang mga ito.

Nagbigay din ng payo ang dating beauty queen sa lahat ng mga babaeng biktima ng panloloko ng ng kanilang mga asawa o boyfriend.

“Kailangan i-assess mo ‘yung situation kung mahal mo ba ang lalaki, kung boyfriend mo ba siya o asawa na. Kung boyfriend lang, goodbye na kung goodbye.

“Palitan mo, maraming mga lalaki sa mundo, di ba? Kung asawa mo, kailangang pag-isipan mo dahil may mga anak kayo, it’s a more difficult situation,” ani Ruffa.

Mapapanood muli si Ruffa sa teleseryeng Love Thy Woman na nagsimula na kanina sa Kapamilya Gold pagkatapos ng It’s Showtime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending