P65M jackpot nasungkit sa Isabela, 6/58 jackpot lolobo pa | Bandera

P65M jackpot nasungkit sa Isabela, 6/58 jackpot lolobo pa

Leifbilly Begas |February 10,2020
facebook
share this

P65M jackpot nasungkit sa Isabela, 6/58 jackpot lolobo pa

Leifbilly Begas - February 10, 2020 - 03:48 PM

ISANG mananaya sa Isabela ang nanalo ng P65.7 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 sa bola noong Linggo.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Ilagan City. Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 22-23-05-15-31-03.

Nanalo naman ng tig-P28,240 ang 29 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P440 naman ang 1,469 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 22,137 mananaya na nakatatlong numero.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon upang kunin ang kanilang premyo. Ang mga premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

 Samantala, wala namang nanalo sa P183.4 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Hindi nakuha ang kumbinasyong 14-07-43-54-42-31. Posibleng umabot na sa P190 milyon ang jackpot prize nito sa Martes.

Isa naman ang nakakuha ng limang numero at mag-uuwi ng P280,000. Tig-P2,650 naman ang 419 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 11,260 mananaya na nakatatlong numero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending