Produ ng pelikula ng kilalang loveteam kabado | Bandera

Produ ng pelikula ng kilalang loveteam kabado

Reggee Bonoan |February 10,2020
facebook
share this

Produ ng pelikula ng kilalang loveteam kabado

Reggee Bonoan - February 10, 2020 - 12:05 AM

KABADO raw ang producer ng pelikulang pagsasamahan ng dalawang artista na parehong walang box-office appeal.

Sa madaling salita, isa itong suntok sa buwan.

“Try lang baka makatsamba,” sabi ng kausap naming konektado sa pelikula.

“Marami namang sumugal at nakatsamba, pero ‘yun nga, mas marami ang hindi. Maganda ‘tong pelikula namin, kakaiba. O may napanood ka na bang ganitong genre?” sabi pa sa amin.

Anyway, marami namang fans ang dalawa lalo na ang bidang babae, ‘yun nga lang hindi yata sila mga paying fans. ‘Yung bidang lalaki, parang marami rin namang followers. Hindi ko sila gaanong kilala kaya wala kami mai-comment.
“Patulong na lang, friend ha, kapag malapit nang ipalabas,” pakiusap sa amin.

Oo naman. Next time papangalanan ko na sila, hindi na blind item. “Ha-hahahaha! Baliw ka rin, eh,” natawang sabi ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending