DavOcc niyanig ng 6.1 magnitude na lindol
NIYANIG ng magnitude 6.1 lindol ang Davao Occidental Huwebes ng gabi.
Naramdaman ang lindol alas-9:40 ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang epicenter ng lindol ay 118 kilometro sa silangan ng bayan ng Jose Abad Santos. May lalim itong 20 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Glan at Malungon, Sarangani.
Intensity III naman sa Alabel, Sarangani; General Santos City; at Davao City.
Intensity II naman sa Tupi, South Cotabato; Magsaysay, Davao Del Sur, Kiamba, Sarangani; Koronadal City at General Santos City.
Intensity I naman sa Kidapawan City.
Nasundan ang mga pagyanig na ito ng mas mahihinang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.