Ronnie ilang beses tinangkang hiwalayan si Loisa
Naging emosyonal si Loisa Andalio sa guesting niya sa “Magandang Buhay” recently para sa promo ng launching movie nila ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte with Donnie Pangilinan, ang “James & Pat & Dave” directed by Theodore Boborol.
Matindi pala ang pinagdaanan niya hindi lang sa relasyon niya with Ronnie kundi pati na rin sa pamilya. Miss na miss na raw niya ang pagsasama-sama nila ng kanyang parents.
Akala niya kapag nag-artista siya, makakatulong siya ng malaki sa pamilya at mas magiging maganda ang relasyon nila. But instead, they were torn-apart from each other. Kaya nga raw si Ronnie, hindi lang niya boyfriend, parang tatay na rin niya ito. Kasi nga, hindi na raw niya kasama sa bahay ang ama.
Inamin din ni Loisa na ikinagalit ng tatay niya ang pagkakaroon niya ng relasyon at the age of 15. At na-realize rin niya na tama lahat ng sinabi ng tatay niya sa kanya.
Sa ngayon happy naman si Loisa sa relasyon nila ni Ronnie at dasal niya na tumagal sila dahil ayaw niyang mangyari sa kanila ang nangyari sa kanyang magulang.
“Naalala ko yung muntik na siyang sumuko. Ang sakit e, ang hirap. Ayaw ko nang salitang hiwalay. Parang nangyari na sa akin sa magulang ko, ayoko na siyang mangyari sa akin. Parang nato-trauma na ako sa salitang hiwalay kaya kapag naririnig ko siya parang hindi ko kaya. Pero hindi mo naman mapipilit yung tao kung hindi ka naman mahal,” esplika ni Loisa.
Sinabi naman ni Ronnie sa “Magandang Buhay” na ilang beses din niyang tinangka na makipag-break kay Loisa, “Maraming beses na gusto ko nang sumuko, pero naisip ko hindi ko pala talaga kayang wala siya. Sa mga naging girlfriend ko dati, lahat po may edad. Nu’ng nakilala ko po si Loisa, the way na nag-uusap kami, sobrang parang ang dami pang kulang.”
Dagdag pa niya, “Hindi ko sinasabing perfect ako, pero tinulungan ko lang siya na maintindihan pa ang mga bagay-bagay tungkol sa relasyon namin. Sabi ko sa kanya, simula pa lang ito, marami pa tayong pagdaraanan.”
Ipalalabas na ang “James & Pat & Dave” sa Feb. 12 bilang Valentine offering ng Star Cinema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.