Bonggang lifestyle ni Madam nakatimbre na sa Malacanang | Bandera

Bonggang lifestyle ni Madam nakatimbre na sa Malacanang

Den Macaranas - February 05, 2020 - 12:15 AM

NASA hot seat ngayon ang isang opisyal ng gobyerno dahil sa akusasyon ng katiwalian.
Sinabi ng aking cricket na nakarating na sa Malacanang ang mga ulat ukol sa maluhong pamumuhay ng bida sa ating kwento ngayong araw.
Kung dati ay isang ordinaryong van lamang ang sasakyan ni Madam, ngayon ay papalit-palit na ito sa paggamit ng kanyang mga bago at mamahaling sports utility vehicles (SUV).
Madalas rin itong laman ng mga five star hotels lalo na tuwing weekend.
Ang ahensyang kanyang pinamumunuan ay laging laman ng kontrobersiya lalo’t madalas masangkot sa mga katiwalian ang mga nagiging pinuno nito.
Sinabi ng aking cricket na kinausap na rin ng ilang matataas na palace officials ang ating bida na maging maingat ito sa pagpapakita ng maluhong pamumuhay sa publiko.
Mismong ang Pangulo kasi ang nagsabi na dapat ay maging simple lamang ang pamumuhay ng mga opisyal sa pamahalaan.
Pero dahil na rin sa kahina-hinalang pagdami ng kanyang mga sasakyan at labis na pagpapakita ng karangyaan sa pamumuhay kaya isang imbestigasyon na rin ang ikinasa laban sa kanya ng isang ahensya ng gobyerno.
Bagama’t sinasabing malapit sa Pangulo ang ating bida ay hindi naman ito nangangahulugan na dapat na itong magsamantala sa posisyon na iponagkatiwala sa kanya.
Ang opisyal ng pamahalaan na sinasabing labis kung magpakita ng luho sa pamumuhay ay si Madam R….as in Royale.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending