Kontrobersyal na kumpanya nakakuha ng bagong contract | Bandera

Kontrobersyal na kumpanya nakakuha ng bagong contract

Leifbilly Begas - February 05, 2020 - 12:15 AM

ang impormasyong ito. Matapos daw ang naging kontrobersya sa pagitan ng Department of Transportation-Land Transportation Office at Stradcom ay nakabalik pa rin ang kompanya.
Nang hawakan ng Stradcom ang IT program ng LTO ay mayroon umano itong hindi nagawa gaya ng radio frequency identification tag sa mga sasakyan sa kabila ng bilyon-bilyong kinita nito. Tapos lumabas pa ang ulat ng Commission on Audit na nagsasabi na nadagdagan sana ng P1.5 bilyon ang kita ang LTO kung binago nito ang hatian ng kita mula sa sinisingil ng Stradcom.
Ang Stradcom ay nag-umpisa sa LTO noong 1998 at natapos sa termino ni Transportation Sec. Art Tugade. Noong 2013 pa natapos ang kontrata ng Stradcom tapos na-extend ng na-extend, may mga kasong naisampa tapos nagkaroon ng gulo sa loob ng Stradcom, hanggang sa mapalitan na ang Aquino administration at pumasok ang Duterte government.
Pagpasok ni Tugade isa sa una niyang kinaharap ang kawalan ng lisensya. Yung pupunta ka sa LTO para mag-renew o kumuha ng lisensya tapos pag-uwi mo ang dala mo resibo o papel at hindi ang aktwal na lisensya.
Sa pag-alis sa Stradcom isinama na ng DoTr na masolusyunan ang problema kung saan nakakakuha ng prangkisa ang isang public utility vehicle kahit na ang sasakyan ay hindi rehistrado sa LTO (Ha may ganung problema dati?).
Isingit ko lang, malaki rin noon ang problema ng LTO sa plaka ng sasakyan. Wala silang maibigay na plaka sa mga bagong sasakyan habang ang mga lumang sasakyan na mayroon ng plaka (‘yung kulay green) ay pinagbayad ng bagong plaka. Pinabayaran ang bagong plaka sa may-ari ng mga lumang sasakyan pero makalipas ang ilang taon ay walang dumating na plaka.
Nabawasan na ngayon ang bilang ng mga sasakyan na wala pang bagong plaka (‘yung black and white) dahil sa halip na angkatin gaya ng plano ng nakaraang administrasyon, ay ginagawa na lamang ito ngayon ng LTO. Pwede naman pala na bumili ng robotic machine na gagawa ng plaka.
Balik tayo sa Stradcom. Nais ng mga miron na malaman kung ano ang kontrata na nakuha ng Stradcom sa LTO (kung totoo man na may nakuha nga ito) para malaman kung ano ba ang kulang o idaragdag sa lisensya ngayon? At kung bakit ang kakulangang ito ay hindi pa naisama sa kontrata ng kompanya na may hawak ngayon sa IT system ng LTO?
Baka kasi magresulta na naman ang kontratang ito sa dagdag na babayaran ng mga kumukuha ng lisensya at sa iba pang transaksyon sa LTO.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending