Kris: Never humingi ng pabor sa amin si Willie noong nakaupo pa si Noy
MARAMING nagwi-wish na sana, sa pagbabalik on national television ni Kris Aquino, ay isang programang pagsasamahan nila ang unang proyektong gagawin ng actress-TV host.
Wala na nga namang problema kung ganu’n ang mangyayari, magkaibigan sila, gustung-gusto nina Josh at Bimby si Willie Revillame.
Magkasama pa sila sa ABS-CBN ay very close na sina Kris at Willie, sa aktor-TV host lang ipinagkakatiwala ni Kris ang kanyang mga anak kapag meron siyang taping, nasa dressing room lang ng matagumpay na host ang magkapatid.
Malaki ang puhunan ni Willie kay Kris, palaging naaalala ng aktres-TV host ang malaking tulong ni WIllie nu’ng kampanya ng kanyang kapatid na dating pangulo, pero nang maupo na ito ay ni walang hininging pabor sa kanya si Willie.
“He’s always been good to us. He loved my kids, mahal niya sina Josh at Bimby, saka never siyang humingi ng kahit anong favor sa amin nu’ng nakaupo na si Noy,” laging sinasabi ni Kris.
Kung paano magaganap ang kanilang pagsasama sa pagbabalik-telebisyon ni Kris ang malaking tanong. Saang network sila gagawa ng programa?
Hindi puwedeng sa ABS-CBN dahil kare-renew lang ng kontrata ni Willie Revillame sa GMA7. Kung pinagsaraduhan ng pintuan ng kanyang dating network si Kris Aquino ay magbukas sana ng mga bintana para sa kanya ang Siyete.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.