Palasyo itinanggi na mabagal ang aksyon vs nCoV
ITINANGGI ng Palasyo na mabagal ang aksyon ng pamahalaan kontra novel coronavirus sa harap naman ng mga pagbatikos mula sa mga kritiko.
Sa isang briefing, iginiit ni Communications Secretary Martin Andanar na naaayon sa World Health Organization (WHO) ang pag-aksyon ng administrasyon.
“No, it’s not late. In fact very timely ang decision ng gobyerno. Again we follow also the directives and also the recommendations from the WHO, the DOH,” dagdag ni Andanar.
Nakatakdang magpatawag si Pangulong Duterte ng emergency meeting kaugnay ng problema sa nCoV.
“Again I would like to reiterate na itong namatay na infected by the ncoronavirus is a person form china at yung infected din yung kanyang kasama. Wala pang filipino, thank god, na infected nito. Yung decision naman ng gobyerno ay very methodical at yung meeting mamaya ay nation lang din na timely because nung weekend namatay yung pasyente na galing pang China and unfortunately the first death outside of China,” giit pa ni Andanar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.