Beauty nakipaglaban sa anorexia; umaming nagsusungit sa taping               | Bandera

Beauty nakipaglaban sa anorexia; umaming nagsusungit sa taping              

Ervin Santiago - February 02, 2020 - 12:37 AM

BEAUTY GONZALES, RICHARD YAP AT DIMPLES ROMANA

NAGKAROON ng eating disorder o anorexia ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez na naging dahilan ng sobrang pagpayat niya nitong mga nakaraang buwan.

Ito ang naluluhang inamin ni Beauty sa nakaraang finale presscon ng afternoon series na Kadenang Ginto na dalawang linggo na lang mapapanood sa Kapamilya Gold. Aniya, napagtagumpayan niyang labanan ang nasabing sakit kaya todo ang pasalamat niya sa Diyos.

“You know when I started the show, I was anorexic. I was a hundred pounds, I’m the healthiest I’ve been now in my life. Pero sa totoo lang, this is the best who I am right now,” pahayag ni Beauty.

Todo rin ang pasasalamat niya sa cast and production ng Kadenang Ginto dahil sa tagumpay ng serye sa loob ng mahigit isang taon, “To all my co-stars, maraming salamat sa pagiging mabait sa akin. Kasi may mga panahon talaga na, alam mo yung kapag pagod ka na sa trabaho, pag hindi mo na nakikita ang pamilya mo nang matagal, biglang lumalabas yung pagiging bisaya ko na Annabelle Rama. Kaya maraming salamat po talaga sa mga pasensya sa akin.” 

Dito rin inilahad ni Beauty ang naging struggle niya sa pagganap bilang Romina Mondragon kaya kung minsan ay nakakapagsungit siya sa taping, “You know when you’re so pressured and you’re so tired on doing the job, sometimes it’s not easy to always be happy. And I am very thankful to my family, my co-stars.

“Pagdating sa set mukha akong tanga, ang sungit-sungit, kasi sa totoo lang hirap na hirap ako sa Tagalog ko. Kaya dapat concentrate ako kasi siyempre kapag sampalan na uulitin mo rin yung sampal e, masakit din e,” lahad pa ng aktres na tumanggap ng kanyang first Best Actress award mula sa EdukCircle last year para sa KG.

Samantala, sa huling dalawang linggo ng Kadenang Ginto, susuungin na ng apat na babaeng Mondragon ang pinakamalaking giyera sa kanilang mga buhay.

Patuloy na mababalot sa paghihiganti ang mag-inang Romina (Beauty) at Cassie (Francine Diaz) laban kina Daniela (Dimples Romana) at Marga (Andrea Brillantes) hangga’t hindi nila nakikita ang pagbagsak ng isa’t isa.

Matapos ang pagkamatay ni Carlos (Adrian Alandy) habang ipinagtatanggol si Romina, iigting ang paniniwala ni Daniela na si Romina ang dahilan ng pagkawala ng lahat sa kanya, habang titindi naman ang poot sa puso ni Marga

Gayunpaman, desidido rin si Romina na mapatunayan na ang lahat ng pagtatangka sa kanya at ng kanyang pamilya ay kagagawan ni Daniela. Ngunit mahihirapan si Romina na ilabas ang katotohanan dahil sa pagtulong ni Hector (Joko Diaz) at ng espiyang hindi pa niya kilala ang katauhan.

Patuloy naman ang pagtatago ni Cassie (Francine) upang ipalabas na patay na siya, samantalang manghihimasok sa gulo si Marga dahil sa kutob niyang buhay pa ang tiyahin.

Alin sa apat na buhay na kinadena ng pasakit ang matitira? Makalaya pa kaya sina Romina, Daniela, Cassie, at Marga mula sa sakit na nararamdaman?

Tinawag na “The Battle of the Dragons” ang pagtatapos ng serye na umere ng higit sa isang taon. Bukod sa mataas na ratings, nakapagtala ito ng milyon-milyong views sa YouTube at naging patok sa netizens ang mga meme na mula sa serye. Bukod naman sa Pilipinas, ipinapalabas din ito sa Myanmar at kasalukuyang umeere naman ang Indonesian adaptation nito.

Naging daan din ang serye sa pagsikat ng hit teen quartet na The Gold Squad, na binubuo nina Andrea, Francine, Seth Fedelin, at Kyle Echarri, na nakapaglunsad na ng kani-kanilang digital movies sa iWant at nakapaghakot na ng 1.8 milyong subscribers sa YouTube channel nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwang palampasin ang pagtatapos ng Kadenang Ginto sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending