Young actor basta na lang itinapon sa basurahan ng ex-GF na aktres | Bandera

Young actor basta na lang itinapon sa basurahan ng ex-GF na aktres

Cristy Fermin - February 01, 2020 - 12:50 AM

PALIBHASA’Y mga bagets pa madaling hulihin ang kalooban ng mga artista, hindi pa nila kayang itago ang kanilang saloobin.

Mabuway pa ang kanilang emosyon, padalus-dalos, dahil mga bata pa nga na kulang na kulang pa sa karanasan.

Tulad na lang ng isang magkarelasyong bagets na naging masakit ang paghihiwalay. Naugnay ang babae sa isang hunk actor at nagmukhang kawawa ang iniwan niyang boyfriend.

Pero kailangan nilang magkasama uli para sa pagbebenta ng pelikulang ginawa na nila bago pa pumutok ang kontrobersiya tungkol sa bagets actress at sa hunk actor.

Kuwento ng aming source, “Nakikita sila ng mga tao na parang okey na, pero ang totoo, hinding-hindi! Nagpaplastikan lang sila sa harapan ng audience.

“Lalo na sa part nu’ng bagets actor, matindi kasi ang sakit na naramdaman niya nu’ng bigla na lang ma-link ang young actress sa hunk actor.

“Nagmukha nga naman siyang basahan na basta na lang itinapon sa basurahan samantalang mahal na mahal niya ‘yung girl!” unang chika ng aming source.

May nakakita sa mag-ex sa backstage habang may promo sila sa isang mall. Magkalayo ang kanilang upuan. Hindi sila nag-uusap.

Balik-chika ng aming impormante, “Naku, para silang magkaaway! As in, hindi sila nagpapansinan! Magkahiwalay ang upuan nila, ni hindi nga sila nagtitinginan, talagang wala nang balikang mangyayari sa kanila.

“Lalo na sa part ng guy, walang-wala na sa kanya ‘yun, ganu’n talaga kapag nasasaktan ang tao, parang habambuhay na niyang dala-dala ‘yun! ‘Yung girl, casual lang, phone niya ang pinagkakaabalahan. Ang guy naman, e, may mga kausap na kasamahan nila sa promo ng movie nila.

“Nakapanghihinayang ang nangyari sa kanila, talagang inalagaan nang husto nu’ng guy ang girlfriend niya, pero hindi pa handang makipagrelasyon nang matagalan ang girl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mas stable na ang emotion ng guy, mas malalim siya, mas kaya na niyang i-handle ang lovelife niya. Ang girl, marami pa siyang pagdadaanan, sa totoo lang, hindi pa siya ready sa relationship na seryosohan,” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this, gets na gets n’yo na kung sinu-sino sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending