Buhay probinsiya vs buhay Maynila | Bandera

Buhay probinsiya vs buhay Maynila

Beth Viaje - January 29, 2020 - 12:15 AM

DEAR Ateng Beth,
Tulungan mo po ako mag-decide kung aalis na ako sa trabaho ko bilang house help.
Pinauuwi na ako ng nanay at tatay ko sa Leyte, at doon na lang daw ako magtrabaho sa amin para sama-sama kami.
Ayaw kong umuwi dahil mas mahirap ang buhay roon. Dito may chance akong mag-aral dahil paaralin daw ako ng amo ko sa high school para makatapos ako kahit high school.
Sabi ni ma’am maigi raw na kahit man lang high school ay makatapos ako para di ako maging katulong habambuhay. Kaya lang po, naaawa rin ako sa nanay at tatay ko, walang mag-aasikaso sa kanila. Tulungan mo naman ako.
Erlinda,
Muntinlupa City

Dear Erlinda,
Sa totoo, sanay ako sa lungsod. Bagamat sa labas ako ng Maynila nakatira. Lumaki ako sa ingay at gulo ng lungsod. Kaya kapag ako ang talagang tinanong mo, mas gusto ko sa probinsya. Mas tahimik ang buhay, mas simple.
Hindi naman siguro masyadong papahuli ang buhay sa Leyte, hindi ba? Hindi naman ito as in napakalayong lugar na walang eskwelahan o mapapasukang trabaho. Hindi ba pareho lang namang libre ang pag aaral ng high school sa Maynila at sa Leyte?
Mahirap ang buhay sa Leyte, pero hindi ba mahirap din naman ang buhay sa lungsod? Oo siguradong may kakainin ka kasi kasama mo si ma’am mo.
Pero makakaya mo bang pagsabayin ang pangangamuhan mo at pag-aaral mo? Hindi ba pwedeng ngayon pa lang magsimula ka nang ‘wag maging katulong at huwag umasa sa ibang tao para umangat ang buhay at kaalaman mo?
Samantalang kung nasa Leyte ka, pwede mo nang tingnan ang mga magulang mo at pwede ka pang mag-aral. Pwede kayong magsimula kahit maliit na garden o tindahan.
Mas simple ang buhay at pangangailangang mabuhay.
Magsumikap ka lang. Magtiyaga ka lang. Kung gusto mo talagang mag aral, kahit sa simpleng eskwelahan lang, makakatapos ka. Tapos kumuha ka ng kurso sa Tesda. Mangarap ka ng labas sa pagiging kasambahay. Kumilos ka nang hindi umaasa sa amo o pangangamuhan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending