‘Yolanda’ movie nina Charo at Daniel sosyal ang budget
NAKAUSAP namin ang Quantum producer na Atty. Joji. Alonso sa birthday party ng aming kaibigang entertainment editor na si Ian Fariñas kamakailan tungkol sa bago nilang project.
Nabanggit niyang nasa Tacloban City si Ms. Charo Santos-Concio para sa shooting ng pelikulang “Whether the Weather is Fine” sa direksyon ni Carlo Francisco Manatad kung saan makakasama rin si Daniel Padilla.
Ipinakita sa amin ni Atty. Joji ang still photos ng pelikula at napa-wow kami dahil sa ganda ng mga shots.
Aniya, “See that, hindi madaling i-mount ‘yan kasi talagang nagtayo kami niyan (lugar na maraming bahay ang nasalanta), kasi ‘yung place as in bakanteng lugar lang.”
Naniniwala kaming mahal ang budget ng movie lalo’t maraming rain effect at hindi naman isang araw lang kinunan ang mga eksenang humagupit ang super typhoon Yolanda noong Nob. 8, 2013.
Nitong Sabado ng umaga ay kapalitan namin ng mensahe si Atty. Joji at nabanggit niyang nasa Tacloban na rin siya para bisitahin ang shooting ni Ms. Charo. Dito kailangan niyang pangasiwaan ang crowd control ng halos 1000 talents.
Post ng producer, “Thank you Charo Santos Concio! This film is hands down my most difficult challenge, to date. But we just keep going, don’t we? All for the love of the craft and for the members of the team who have literally poured their hearts and souls to seeing the film into fruition.
“With less than 2 hours of sleep, a turbulent plane ride to Tacloban, and a self-imposed task as crowd control for more than 1000 talents, and continued prayers for a sunny day. God help us. #WhetherTheWeatherIsFine.”
Anyway, maraming producers ang nag-invest para mabuo ang movie tulad ng ABS-CBN Films, Black Sheep, Cinematografica, Plan C, Globe Studios, House on Fire from France, AAND from Singapore, KawanKawan Media from Indonesia, iWant at Dreamscape Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.