Sylvia: Aaminin ko, may sama po ako ng loob kay Sen. Jinggoy!
“BISAYA” ang tawag ni dating Sen. Jinggoy Estrada sa leading lady niyang si Sylvia Sanchez para sa comeback movie niyang “Coming Home” dahil Bisaya naman talaga ang aktres.
Ayon kay Ibyang, personal choice siya ni Sen. Jinggoy kaya pinasalamatan niya ito sa ginanap na mediacon ng pelikula kamakailan.
“Thankful po ako sa ‘yo Senator, at tulad nga nang lagi kong sinasabi sa kanya, sana mag-take one kami kasi mukhang hindi magte-take one dahil magtatawanan lang kami.
“Thank you, panibagong movie, wala akong gustong ipangako basta ibibigay ko rito ang best ko,” saad ng aktres.
“Wife ako ni Sen dito, martir, mapagmahal, broken family kami dito tapos pinipilit kong buuin ang pamilya sa abot ng aking makakaya and may sakit si Sen dito kaya pagtatagpu-tagpuin ko ‘yung mga anak namin,” pahayag ni Ibyang.
May kakaibang twist ang karakter niya na dapat daw abangan, “Sasabihin ng iba, nanay na naman, martyr na nanay kasi sa TV ginagawa ko ‘yun, pero ‘yung twist nito, big deal para sa akin kasi hindi ko pa nagagampanan at ‘yun ‘yung ipo-focus ko na magampanan ko nang mabuti na hindi ko pa puwedeng i-reveal kasi magagalit ang direktor (Adolf Alix, Jr.) ko.”
Abangan din daw ang confrontation scene nila sa movie ni Ariella Arida na gaganap na kabit ni Sen. Jinggoy.
Samantala, naikuwento ni Ibyang na may sama siya ng loob kay Jinggoy na nangyari noong bago palang siya sa showbiz.
“May sama ako ng loob dito. Ikukuwento ko lang, siyempre naririnig ko ‘yung pangalang Senator Jinggoy Estrada, this was 1992. Tumanggap ako ng award bilang Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival (Takbo Talon Tili), kabado ako kasi first time kong manalo.
“Lahat ng mayors (Metro Manila) nasa harap, siyempre kabado ako kasi naka-receive ako ng award kaya kung anu-ano ang sinasabi ko tapos nasabi ko, I would like to thank Mother Lily Montevirde, kasi Bisaya ako. Kitang-kita ko siya (Jinggoy) talaga, ‘yung tawa niyang nahuhulog (sa upuan) tapos nakuha niya ‘yung atensyon ko. Sabi ko sa (loob ko), isang araw, masusumbatan din kita.
“Tinandaan ko siya talaga tapos after ilang taon nakilala ko siya tsika-tsika kami tapos sinabi ko na pinagtawanan niya ako tapos dinenay niya. Pero sa bandang huli, inamin din niya. Simula nu’n naging okay ang relasyon namin,” mahabang kuwento ng aktres.
Anyway, ang “Coming Home” ay mula sa Maverick Films at ALV Films at planong isali sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival.
Kasama rin sa pelikula sina Smokey Manaloto, Julian Estrada, Jake Ejercito, Martin Del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Almira Muhlach, Jana Agoncillo, Channel Morales, Alvin Anson at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.