outbrain

Megan Young, Mikael Daez kasal na!

By Ervin Santiago January 25,2020
share this

Megan Young, Mikael Daez kasal na!

By Ervin Santiago January 25,2020
share this

KASAL na ang long-time Kapuso couple na sina Megan Young ay Mikael Daez!

Naganap kanina ang intimate wedding ng dalawa sa San Roque Chapel sa Subic, Zambales.

Makalipas nga ang halos nine years ng pagiging magkarelasyon, lumagay na nga sa tahimik ang Kapuso couple at handa nang bumuo ng sarili nilang pamilya.

Ang bonggang wedding gown ni Megan ay gawa ni Patricia Santos.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mikael ng photo nila ni Megan at sinabing handang-handa na siyang maging “Mikael Daez-Young.”

Nag-celebrate sina Megan at Mikael ng kanilang 9th anniversary as a couple nitong Jan. 6, two weeks bago sila nagpalitan ng “I Dos”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending