Alden personal na nagbigay ng relief goods sa Batangas
Siguradong tameme at supalpal na namang ang mga bashers ni Alden Richards na nagsasabing wala itong ginagawa para makatulong sa mga nasalanta ng Taal volcano eruption.
Nitong nakaraang araw, personal na nagtungo ang Asia’s Multimedia Star sa ilang evacuation centers sa Batangas para maghatid ng relief goods. Tuwang-tuwa at muling nabuhayan ng loob ang mga Batangueño sa Alitagtag at Mataas na Kahoy kung saan lumikas ang mga naapektuhan ng kalamidad.
“Mahaba-haba pong tulungan ‘to. Sana huwag tayong magsawa and we continue doing relief operations for the evacuees sa Taal area especially sa Batangas. Sa mga gustong tumulong, sana i-ready pa natin ‘yung mga pwede nating itulong sa kanila para tulo-tuloy lang.
“Nakita ko, eh. I was there noong nakapunta ako sa different evacuation areas. Kailangan pa nila ng tulong. Sana hindi matapos lang sa isang bigayan. We have to continue,” ani Alden sa panayam ng GMA 7.
Pinaalalahanan din ng The Gift lead star ang mga kababayan nating nakatira malapit sa bulkan, “Sa mga malapit sa area, please take extra caution. Makining po tayo sa otoridad at sa mga notice nila. If we have to leave, we leave kasi safety first.”
Speaking of The Gift, bitin na bitin na ang mga Kapuso viewers sa mga kaganapan sa serye lalo na ngayong muling napasakamay ni Javier (Christian Vasquez) si Nanay Straw (Jo Berry) matapos makatakas sa mga kidnapper.
Todo naman ang dasal nina Lola Char (Elizabeth Oropesa) at Helga (Sophie Albert) na makaligtas si Nanay Straw. Pero gagawin nina Javier at Francine (Rochelle Pangilinan) ang lahat para mawala sa landas nila ang kanilang mga kaaway, kabilang na si Sep (Alden). Sino kaya ang magsasakripisyo ng sarili niyang buhay para matapos na ang kasamaan ni Javier?
Hanggang kailan naman susubukin ng tadhana ang katatagan at katapangan ni Sep? At alamin kung paano niya malalaman ang katotohanan na si Nadia (Jean Garcia) ang tunay niyang ina? ‘Yan ang dapat n’yong abangan sa huling dalawang linggo ng The Gift sa GMA Telebabad, sa direksyon ni LA Madridejos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.