Promise ng kampo ng SB19: We will make history, we're gonna go up! | Bandera

Promise ng kampo ng SB19: We will make history, we’re gonna go up!

Julie Bonifacio - January 24, 2020 - 01:15 AM

SB 19

Nakaka-happy to know na kilala and going places na ang all-male Pinoy Korean trained group na SB19. Kung saan-saan na namin sila napapanood. And almost everyday ay nasa social media sila (sa account ng MRT na Tube).

Naging visible rin sila on TV and radio. Kaya ‘di kataka-taka nu’ng inilabas na sa ere ang “Alab,” agad itong nag-top sa music chart at nakakuha agad ng 500,00 views sa YouTube ang kanilang music video sa loob lang ng 24 oras.

Left and right na rin ang award na natatanggap nila. At ang pinaka-latest ay ang Breakthrough award mula sa Wish FM radio station. Ang SB19 ay binubuo nina Sejun, Stell, Justin, Ken and Josh na pawang mga Pinoy. Pero mga Koreano ang nag-train at nagha-handle ng kanilang career. Kaya naman ang hitsura nila ay mala-K-Pop.

Ang kanilang mga manager ay sina Charles Kim at Robin Geong, na mas nais na tawaging Tatang Robin. Masayang ibinalita ni Tatang Robin, CEO ng ShowBT Philippines, ang tinamong tagumpay ng grupo after mai-launch sa Pinas last year.

Isa sa mga magagandang balita ni Tatang Robin during the media launch ng “Alab” ay ‘yung naka-level ng SBI9 si Mariah Carey dahil sa pagiging top favorite ng kanilang kanta sa isang music chart. May plano rin daw silang makipag-collaborate with other Pinoy and K-Pop artists like Sarah Geronimo, Gary Valenciano, Vice Ganda, K-Pop group na Seventeen at iba pa.

Ang “Alab” ang first official single ng SB19 under Sony Music Philippines. Pinarangalan naman ang grupo bilang Favorite Group of the Year award mula sa isang entertainement website last November, 2019.

“This is just the beginning. We’re making history and P-pop. Together, we will make history. We will never give up. We’re gonna go up,” sabi pa ni Tatang Robin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending