outbrain

Paghihiwalay ng showbiz couple lokohan lang: Gagawin lahat para sa career

By Cristy Fermin January 24,2020
share this

Paghihiwalay ng showbiz couple lokohan lang: Gagawin lahat para sa career

By Cristy Fermin January 24,2020
share this

SA isang malaking umpukan ay naging sentrong paksa ang dalawang personalidad na hindi malaman kung talaga bang hiwalay na o sila pa rin.

Magkakahalo ang mga opinyong maririnig, may mga nagdududa sa kanilang break-up, parang gawa-gawa lang daw ‘yun para sa gagawing proyekto ng male personality na iba ang kanyang kapareha, kumbaga ay wala namang katotohanan ang lumabas na kuwentong hiwalay na talaga sila,

Kuwento ng isang source, “Parang hindi naman totoong hiwalay na sila, kasi, madalas pa rin naman silang nakikitang magkasama.

“Kailangan na lang talaga siguro nilang magkunwaring tapos na ang lahat sa kanila, kasi nga, may project na gagawin ‘yung guy na hindi ang girlfriend niya ang partner niya!

“Naku, bulok na ang ganu’ng gimik, ‘yung kiyeme-kiyemeng wala na sila, pero ang totoo, e, sila pa rin naman! All for the love of their career!” madiing chika ng aming impormante.

Inaasahan na ng grupo na kapag tapos na ang proyekto ng male personality na iba ang kapareha ay biglang puputok naman ang balitang nagkabalikan na sila.

Balik-kuwento ng aming source, “Ganu’n naman palagi, di ba? Kapag iba ang partner sa project, palalabasing hiwalay na ‘yung guy o ‘yung girl sa karelasyon nila!

“Lalagyan kasi ng love angle ang project, natural, hindi puwedeng mangyari ‘yun kung may karelasyon pa ang bida, di ba naman? Di ang pinakapalusot sa ganu’ng promo, e, wala na siyang boyfriend o girlfriend!

“Hiwalay na raw sila? E, kung kailan naman nila sinabing tapos na ang lahat sa kanila, e, saka naman sila nakikitang palaging magkasama! ‘Yun ba ang hiwalay na?

“Naku, tantanan na ang mga ganyang gimmick, palyado na ‘yan! Magbilang kayo ngayon, mga ilang buwan lang, e, sila na uli! Nagdadamay pa sila ng kung sinu-sinong tao sa mga kiyemerut nilang hiwalayan!

“Puwede ba? Tantanan na nila ang mga ganyang kalokahan! Bulok na ang saging ni Aling Pacing!” madiing pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this! Kahit kayo, Jon at Ching Bautista Silverio, makalulusot ba sa inyo kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending