'Walang Kasarian Ang Digmang Bayan' ni Jay Altarejos pasok sa 2020 Sinag Maynila | Bandera

‘Walang Kasarian Ang Digmang Bayan’ ni Jay Altarejos pasok sa 2020 Sinag Maynila

- January 23, 2020 - 12:15 AM

MAITUTURING nang haligi ng Sinag Maynila Film Festival ang writer-director na si Jay Altarejos na siyang nasa likod ng mga pelikulang “Ang Lihim ni Antonio,” “Kasal,” “Tale of the Lost Boys” at “Jino to Mari.”

Kabilang sa mga award na hinakot ni direk Jay sa Sinag Maynila ay ang Best Screenplay (2016) for “TPO,” Best Film (2018) para sa “Tale of the Lost Boys”, at Best Screenplay (2019) para sa “Jino to Mari.”

Kaya naman tuwing sasapit na ang Sinag Maynila ay ang kanyang pangalan ang inaabangan ng mga tagasuporta ng festival.

At ngayong 2020, may bago na namang obra ang award-winning director para sa nasabing filmfest, ang “Walang Kasarian ang Digmang Bayan” na pinagbibidahan nina Oliver Aquino, Sandino Martin at Rita Avila.

Ipakikita sa pelikula ang pag-iibigan ng magkaparehong kasarian sa gitna ng kaguluhan. Tatalakayin din dito ang pakikipaglaban ng mga Filipino para sa kalayaan at sa bayan.

Ang “Walang Kasarian ang Digmang Bayan” ay ipinrodyus din ni direk Jay Altarejos para sa 2076Kolektib, kasama sina Harlene Baustista para sa Likhang Silangan Entertainment, at nina Wilson Tieng at Brillante Mendoza para sa Sinag Maynila 2020.

Magsisimula ang naturang filmfest sa March 17 at tatagal hanggang March 24.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending