GSIS benefits | Bandera

GSIS benefits

Lisa Soriano - August 03, 2013 - 11:41 AM

Hi Aksyon Line!
I’m Sonia Paragas of Pangasinan. May query ako about my husband who is a member of GSIS. His GSIS no. is 52042500259.
Unfortunately, comatose sya ngayon pero nasa bahay lang. I would like to ask if what benefits can we get? Isa na rin syang retiree at pensioner ng GSIS.

Wala bang hospitalization benefit ang GSIS? Gustuhin man namin syang iconfine sa hospital pero wala kaming ikakaya lalo na sa kalagayan nya na comatose. Please help me answer those queries. Thank you and more power.
Gng. Paragas:

REPLY: Ito po ay tugon sa inyong katanungan na ipinadala sa pamamagitan ni Liza Soriano ng “Aksyon Line” tungkol sa karagdagang benepisyo na maaaring matanggap ng isang disability pensioner tulad ng inyong asawa ngayong siya ay may karamdaman.

Nais po naming ipaalam sa inyo na sa kasalukuyan, walang hospitalization benefit program ang GSIS alinsunod sa batas.
Subalit maaari po kayong sumangguni sa pinakamalapit na sangay ng Philhealth hinggil sa diskwento o benepisyo na maaaring ibigay nito sa mga retiradong kawani ng pamahalaan na katulad ng inyong asawa.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
MARGIE A. JORILLO
Vice President
Corporate Communications Office
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong
mapaglingkuran
sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending