Resbak ni VP Leni kay Mocha: Ang kasinungalingan, bali-baliktarin mo man kasinungalingan pa rin! | Bandera

Resbak ni VP Leni kay Mocha: Ang kasinungalingan, bali-baliktarin mo man kasinungalingan pa rin!

Alex Brosas - January 22, 2020 - 12:45 AM

MOCHA USON AT LENI ROBREDO

In a recent report, Vice-President Leni Robredo challenged Mocha Something na tumulong sa mga nasalanta ng Taal volcano eruption.

It came on the heels of Mocha’s reposting of a rant na pandesal lang ang dala ni VP Leni nang magpunta ito sa Batangas for a relief operation.

“Madali lang naman malaman. Pumunta siya roon sa mga pinuntahan namin, tanungin niya iyong mga binigyan.”

“At pinaliwanag na sa kaniya, marami nang na-interview doon, talagang ini-insist niya pa rin iyong kasinungalingan para lang maipakita niya na siya iyong tama. Eh, ang kasinungalingan, kahit bali-baliktarin mo, kasinungalingan pa rin iyon.” That was VP Leni’s statement which came out in a network online.

“Pan de sal ba, ghorl?! Well, contrary to fake news, walang pan de sal sa food packs na ipapadala ng aming opisina sa mga evacuees na apektado ng pag-aalboroto ng Taal Volcano. Pero dahil sa kabutihang loob ng ating #AngatBuhay partners, ang food packs ay may laman pa ring instant noodles, easy-to-open canned goods, at bigas—at may kasama na ring biscuits!”

“Magpapadala rin tayo ng drinking water, kutson, kumot, at dust masks sa ating mga kababayan.” ‘Yan ang post ni VP Leni sa Instagram.

“Wag mo na lang pansinin ang mga hindi magagandang sinasabi tungkol sayo VP Leni. Tulad ko may mga tao pa din na mataas ang respeto sayo hindi lang bilang VP ng bansa kundi bilang tao at babae, hindi Lang nila matanggap na ikaw ang nanalo. Keep up the good work ma’am maging humble ka lagi mas lalo kang pagpapalain ng panginoon. God bless,” say ng isang supporter ni VP Leni.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending