SINABI ng Palasyo na posibleng dumalo si Pangulong Duterte sa US-Association of Southeast Asian Nation (US-ASEAN) Summit na gaganapin sa Las Vegas sa Marso.
Sa isang panayam, idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na wala pang desisyon si Duterte kaugnay ng imbitasyon sa kanya ni US President Donald Trump.
“…kasi binanggit na niya iyong personal invitation di ba? But given this is an ASEAN meeting of leaders, baka ma-persuade ang Presidente na umattend,” dagdag ni Panelo.
Matatandaang nagpalabas ang US ng ban sa mga opisyal ng gobyerno na nagpakulong kay Sen. Leila de Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.