Andrea, Derek matindi ang pasabog sa 'Sanggang Dikit' ng GMA | Bandera

Andrea, Derek matindi ang pasabog sa ‘Sanggang Dikit’ ng GMA

- January 16, 2020 - 12:05 AM


MAGANDA ang pasok ng 2020 para sa real-life couple na sina Derek Ramsey at Andrea Torres.

Muli kasing magtatambal sa isang serye ang dalawa sa upcoming series ng GMA na “Sanggang Dikit.”

Nabuo ang relasyon nina Derek at Andrea sa GMA Telebabad series na “The Better Woman” kung saan nagtambal sila sa unang pagkakataon. Maraming manonood ang natuwa at kinilig sa chemistry ng dalawa kaya nang matapos ang primetime soap, agad na humirit ang mga manonood na muli silang pagsamahin sa isang show!

Pinakinggan naman ng GMA ang request ng viewers dahil agad silang inoperan para bumida sa “Sanggang Dikit” na isa sa mga bigating serye ng GMA this 2020.

Kung ano ang magiging tema at kuwento nito, siguradong ikagugulat n’yo lalo na ang gagampanang karakter ng magdyowa na game na game sa challenging and daring roles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending