Luis Manzano tinawag na oportunista dahil sa mahal na face mask; rumesbak sa bashers
NIRESBAKAN ng TV host-comedian na si Luis Manzano ang isang basher na nag-akusa sa kanya ng overpricing sa special type ng face mask na ibinebenta niya online.
Na-bad trip si Luis nang mabasa niya ang comment ng isang netizen na nagpakalat ng balita na sinasamantala umano niya ang pagputok ng Taal Volcano para maibenta ng mahal ang kanilang Cambridge masks, na may taglay na “British Military Grade filtration technology to filter out nearly 100 percent of airborne particles”.
Balitang umaabot daw sa P690 ang presyo ng nasabing face mask na inireklamo nga ng ilang netizens.
Agad na sinagot ni Luis ang basher sa pamamagitan ng pagpo-post ng screenshots ng kanilang supplier’s price list na aniya’y 15 weeks ago pa. Meaning, ganu’n na raw ang presyo ng face mask na ibinebenta nila bago pa mag-alburoto ang Taal Volcano.
“These were our supplier’s prices 15 weeks ago, so did we hoard ba? Nope! Nagtaas presyo ba? Nope! Did we take advantage of the situation? Nope!” caption ni Luis sa kanyang post.
Isa pang netizen ang sinagot ng TV host na nagsabing sobrang mahal naman daw ng face mask nila, “Ate, 15 weeks ago ‘yun na presyo ng N95 or N99 CAMBRIDGE MASKS. ‘Yan presyo talaga globally… tinaasan ba namin dahil sa pagsabog ng bulkan? Namantala kami? Sinabihan ba namin o may inalay ba kami sa bulkan na pumutok para mabenta? Mas marami na po ata kayong abo kesa utak po.”
May isa namang netizen ang nagsabing, “Actually, you did take advantage for the thought na nagawa mo pang mag-market ng products niyo and ngumawa diyan sa Twitter. Nang-away ka pa ng mga tao instead of extending your help. These are even your constituents who are affected. Bummer that you’d rather earn than help.”
Ito naman ang sagot sa kanya ni Luis, “Ineng, hindi lahat ng tulong kelangan makita, kung gusto mo ipakita–very good. Kung ayaw mo ipakita–very good rin. Ang kaya lang kasi ng utak mo social media, ‘di mo gets na may buhay sa likod ng lahat ng ‘to. 2020 na kami, nasa 19tanga ka pa.”
Pero sa huli, nag-alay pa rin ng dasal si Luis para sa lahat ng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal, “Stay safe and alert…but let’s pray for the best. God bless the Batanguenos and everyone affected!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.