Suspensyon ng klase at pasok sa gov’t offices mananatili sa Batangas
MANANATILI ngayong araw ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas at pasok ng mga empleyado ng gobyerno sa Batangas, samantalang may pasok na ang mga kawani ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR), Calabarzon at Region 3.
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nasa desisyon na ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang pagsususpinde ng klase.
“As recommended by the NDRRMC, the suspension of classes in all levels and work in government in the Province of Batangas shall remain in force tommorow (14 January 2020) until further advice of the LGUs concerned,” sabi ni Medialdea.
May panawagan din si Medialdea sa mga pribadong sektor sa Batangas.
“The private sector is highly encouraged to suspend work for the safety of their employees,” dagdag ni Medialdea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.