Manila Vice Mayor binatikos ang pagtaas ng presyo N95 face mask
BINATIKOS ni Manila Vice Mayor Honey Lacuña-Pangan ang pagtaas ng presyo N95 matapos na umabot ng P200 ang presyo kada isang piraso sa Maynila sa harap naman ng narararanasang ashfall dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sinabi ni Lacuña-Pangan na base sa natanggap niyang mga reklamo mula sa mga residente, umabot na ng P200 kada isa ang presyo ng N95 mask mula sa dating P25 hanggang P30 kada isa.
Ipinag-utos na ni Lacuña-Pangan sa Manila Bureau of Permits and Manila Licenses Office ang inspeksyon sa mga tindahang nagbebenta ng naturang mask.
“Huwag naman po natin gamitin ang panahon na ito para manamantala. Tandaan po natin, delikado po sa kalusugan nila ito (Let us not use this time to take advantage of others. Let us remember that this [ash fall] is dangerous to their health),” dagdag ni Lacuña-Pangan.
“Ayaw ko pong makakita ng pasyenteng may asthma na itinakbo sa ospital dahil lang hindi siya makahanap o makabili ng mask,” ayon pa sa Vice Mayor.
Nagkakaubusan na rin ng mga face masks sa mga pharmacy.
Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng N95 mask, imbes na ang regular surgical face mask sa nararanasang ash fall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.