Misteryosong pagkamatay ng 6 na baboy sa Southern Leyte nagdulot ng takot sa mga residente
NAGDULOT ng takot sa mga residente ang misteryosong pagkamatay ng anim na baboy sa isang barangay sa bayan ng St. Bernard, Southern Leyte.
Sinabi ni Baltazar Hagimit, isang tanod sa Barangay Hindag-an, na natagpuan ang mga baboy na may butas sa kanilang mga katawan habang nawawala naman ang kanilang puso at atay.
Unang napaulat na namatay ang isa sa mga baboy noong Enero 8, 2020. Sinundan ang insidente ng lima pang baboy noong Biyernes.
Pawang may butas ang anim na baboy sa isang bahagi ng kanilang katawan at hindi na matagpuan ang kanilang puso at atay.
Ipinag-utos na ni Barangay Captain Joylito Melecio ang pagpapatrolya ng mga tanod tuwing gabi.
Ipinost sa social media ng residente na si Zenaida Ligutan na namangha ang kanyang kapitbahay na si Edwin Lambanao, na patay na ang lima niyang alaga Sabado ng Enero 11.
Umabot na ang post ni Ligutan sa 2, 800 shares, 536 post reactions at 86 comments.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.