Angkas, 2 pa motorcycle taxi bubusisiin ni Poe | Bandera

Angkas, 2 pa motorcycle taxi bubusisiin ni Poe

Bella Cariaso - January 12, 2020 - 01:15 PM

 

NAKATAKDANG imbestigahan ng komite ni Senator Grace Poe ang isyu kaugnay ng motorcycle riding-hailing firm na Angkas at dalawang bagong players na JoyRide at MoveIt.

Sa Martes, inaasahang dadalo ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at pamunuan ng Angkas, JoyRide at MoveIt sa imbestigasyon ng Senate committee on public services ni pinamumunuan ni Poe.

Nitong mga nakaraang araw, panya ang bangayan ng LTFRB at Angkas. Nagsimula ito nang magdesisyon ang LTFRB na magpatupad ng 10,000-biker limit ang regulatory body kada Transport Network Company (TNC).

Pinayagan ng LTFRB ang tatlong buwang extension ng pilot run ng mga motorcycle taxi kasabay ang pagpayag sa pagpasok ng dalawang bagong TNC na inalmahan ng Angkas.

Hirit ng Angkas, marami silang riders na mawawalan ng trabaho dahil nga nilimitahan sa 10,000 ang riders gayong meron silang 27,000 drivers.  Umugong din ang balita na kesyo hindi nga raw Pinoy ang may-ari ng Angkas kundi isang Singaporean.

Pero, may kwestiyon din sa totoong nasa likod ng operasyon ng JoyRide.

Sa harap ng mga isyu kaugnay ng motorcycle taxi, importante ang gagawing imbestigasyon ng komite ni Poe.

Mahalagang malaman kung may malaki ngang pakinabang ang mga motorcycle taxi sa mga pasahero sa harap naman ng trapik na nararanasan sa bansa.

Noong Disyembre, sumulat si Poe sa LTFRB kung saan nagpaalala siya na dapat ikonsidera ang convience at kaligtasan ng mga mananakay sa paglilimita ng bilang ng mga TNCs sa Metro Manila.

Kinuwestiyon din ni Poe ang timing ng desisyon ng LTFRB dahil ginawa ito sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

“At the crux of the issue, we must consider the convenience and safety of the riding public who will be most affected by the drastic reduction of motorcycle taxi supply in favor of new players who currently do not have the 99% safety rating and track record which the current major player has,” sabi ng sulat ni Poe sa LTFRB.

Inatasan din ni Poe ang LTFRB na isumite sa Senado ang resulta ng pilot run at rekomendasyon ng
technical working group kaugnay motorcycle taxi.

Sinabi pa ni Poe prayoridad ng komite ang legalisasyon ng mga motorcycle taxi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan natin ang magiging resulta ng pagdinig sa Martes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending