Kiray virgin na virgin pa rin: Hindi porke may dyowa ka, gagawin n'yo na 'yun! | Bandera

Kiray virgin na virgin pa rin: Hindi porke may dyowa ka, gagawin n’yo na ‘yun!

Ervin Santiago |January 12,2020
facebook
share this

Kiray virgin na virgin pa rin: Hindi porke may dyowa ka, gagawin n’yo na ‘yun!

Ervin Santiago - January 12, 2020 - 12:35 AM

KIRAY CELIS

IBINANDERA ng komedyanteng si Kiray Celis na virgin pa rin siya hanggang ngayon.

Paninindigan daw ng Kapuso comedienne ang promise niya sa kanyang sarili na isusuko lamang niya ang kanyang virginity sa lalaking pakakasalan niya.

Sa presscon ng latest comedy film ng Regal Films na “D’Ninang” ipinagmalaki ni Kiray na wala pang nakaka-score sa kanya kahit na nagkaroon na siya ng boyfriend.

Ilang linggo matapos mapabalitang hiwalay na sila ng kanyang businessman boyfriend, ibinalita ni Kiray sa kanyang Instagram account na meron na siyang bagong karelasyon, si Stephan Estopia.

Kaibigan daw ito ng kapatid niyang lalaki at matagal na silang magkakilala, sa katunayan kalaro pa raw niya ang guy sa Mobile Legends.

Ayon kay Kiray, susubukan niyang kayanin ang maging virgin hanggang sa maikasal siya. Naniniwala siya na kaya niyang pangatawanan ito.

“Wala pang nangyayari at gusto ko gagawin ko lang ‘yun sa lalaking pakakasalan ko. Tsaka malakas po ang mens ko ngayon, gusto n’yong makita!” tawa nang tawang chika ni Kiray nang makachikahan ng mga reporter pagkatapos ng “D’Ninang” presscon.

Hirit pa niya, “Hindi naman porke’t mag-boyfriend kayo, ganoon na kayo. Gagawin n’yo na. Hindi naman kailangan yun, e. Tsaka kung talagang mahal ka ng lalaki, hindi niya ‘yun ipipilit sa ‘yo.”

“Hindi naman lahat ng tao… hinihiling naman yun. Yung iba, marespeto talaga. Tsaka ayoko pa talaga, e!” aniya pa. Kasabay nito, inamin din ng dalaga na hindi naging maganda ang experience niya sa dating boyfriend at marami rin siyang natutunan sa kanilang relasyon.

Samantala, ipinagmalaki ni Kiray sa press ang bago niyang dyowa, “Super mabait siya. Sobrang marespeto, lalo na family-oriented ako, so sobrang nirerespeto niya ang magulang ko at ang mga kapatid ko. Kapag hindi puwede sa parents ko kahit gusto namin hindi namin gagawin or hindi namin pupuntahan. Ganu’n niya nirerespeto ang desisyon ng pamilya ko.

“Mabait siya. Magalang. Napakalambing. Mas nauuna pa nga siyang umiiyak pag nag-aaway kami, eh. Ako yung moody, ako yung masama sa aming dalawa,” chika pa ng komedyana.

Sa tanong namin kung bakit napakabilis ng pagkakaroon niya ng bagong BF, “Mabilis talaga, pero hindi mo kailangang maghanap ng bago para maka-move-on pero nagulat na lang ako na bigla siyang dumating. Sa kanya ko kasi nalaman yung worth ko, eh.”

“Nu’ng una kasi parang kapag merong ginagawa sa yung hindi maganda lagi mo lang tinatanggap kasi mahal mo yung taong gumagawa no’n sa ‘yo. Pero hindi mo napapansin na hindi mo na pala siya deserve. Tapos nauubos na pala yung respeto mo sa sarili mo. Naubos ko yung respeto ko talaga sa sarili ko.

“And siya lang yung nakapagpa-realize sa akin na parang hindi ko pala yon dapat tinatanggap at hindi ko yon nararamdaman. Dapat pala hindi ako pumapayag na natutulog ako nang sobrang bigat ng puso ko. Dapat hindi ako gumigising nang umiiyak ako. Dapat yung taongmahal ko, eh, mahal din ng parents ko – kaso lahat yon hindi,” ani Kiray.

Pahayag pa ng dalaga, ang dyowa niya ngayon ang gusto na niyang mapangasawa, “Oo. Kasi ako naman talaga yung type ng tao na… di ba kahit naman yung first boyfriend ko sinasabi ko naman sa inyo nayon na talaga yung gusto ko. Parang never naman tayong nag-dream na… gusto natin kung sino yung kasama natin sa buhay ay makasama na natin forever.

“Ayokong kasi ng paiba-iba. Ayokong naririnig yung sarili ko na, ‘Ex yan ni Kiray,’ alam mo yon, parang ang hirap kaya na mag-start ulit sa panibagong tao. Kikilalanin mo kung ano yung gusto niya, aalamin mo kung ano yung ayaw niya, tatanggapin mo kung sino siya, ang hirap. Parang bagong tao na naman, bagong pagsubok, kikilalanin ang pamilya, mga kaibigan. Ang hirap kaya ng ganun, parang from the scratch ka ulit. Parang kang baby na nagko-crawl, na natututo ulit maglakad, magsalita, parangganun. Ayoko ng ganung experience,” sey pa ni Kiray.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama ni Kiray sa “D’Ninang” sina Ai Ai delas Alas, McCoy De Leon, Kisses Delavin, Kelvin Miranda at Lou Veloso, sa direksyon ni GB Sampedro mula sa Regal Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending