SSS, PhilHealth contribution gustong ituloy ng ex-teacher | Bandera

SSS, PhilHealth contribution gustong ituloy ng ex-teacher

Liza Soriano |January 11,2020
facebook
share this

SSS, PhilHealth contribution gustong ituloy ng ex-teacher

Liza Soriano - January 11, 2020 - 12:15 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ako po ay isang dating teacher sa private school. Three years din po ako na nagturo pero parang napagod na po ako na magturo.
Sa ngayon po ay nagsa-sideline lamang ako sa isang company na mag P15,000 na sweldo every month. Ang problema po ay na stop ang payment ko sa PhilHealth at SSS.
Ano po kaya ang dapat kong gawin dahil gusto ko po sana na maipagpatuloy ang pagbabayad ko sa PhilHealth at SSS. Maaari ko rin po ba na sabihin sa trabaho ko bagaman hindi naman ako regular employee na bayaran ang aking PhilHealth at SSS contribution then ibawas na lang sa sweldo ko? Sana ay masagot po ninyo ang aking katanungan. Salamat po.
Khriaztianne
REPLY: Magandang araw po. Yes po, pede pa ninyong ituloy as voluntary member, ang halaga ng contributions ninyo at maaari itong ibase sa last monthly salary credit na posted sa records ninyo. Sa inyong contribution na 20 months na as of April 2019 na P16,000 ang katumbas nitong hulog ay 1,920 per month. Kailangan ninyo munang maggenerate ng payment reference number para sa pagbabayad ng inyong kontribusyon sa SSS via My.SSS Facility or SSS Mobile App.
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City
***
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
***
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending