Ai Ai laging biktima ng bobong bashers: Tanong sa akin, how's your pre-marital sex?' | Bandera

Ai Ai laging biktima ng bobong bashers: Tanong sa akin, how’s your pre-marital sex?’

Jun Nardo |January 11,2020
facebook
share this

Ai Ai laging biktima ng bobong bashers: Tanong sa akin, how’s your pre-marital sex?’

Jun Nardo - January 11, 2020 - 12:35 AM

AI AI DELAS ALAS

NAKAKATAWA talaga ang mga bashers ngayon.

Wala silang pakialam kung sariling opinion o hindi ang sinasabi ng mga artista tungkol sa mga napapanahong issue. Hindi na sila nag-iisip basta makapam-bash lang.

Gaya na lang ng sinabi ni Ai Ai delas Alas sa ginanap na media launch ng bago niyang Regal movie na “D’Ninang” na may kinalaman sa kontrobersyal na usapin hinggil sa same sex marriage.

Nagdesisyon na kasi ang Supreme Court with finality na labag sa batas ang same sex marriage at nahingan nga ng opinion si Ai Ai tungkol dito.

Pero may mga hangal na nam-bash pa rin sa kanya kahit sarili na niya itong opinyon, huh!

“Ano ba naman ang bashing? Uso na naman ang bashing. Hehehe.

“Alangan namang mabuhay ako nang hindi nagsasalita ng kahit ano kasi magagalit naman ang mga tao sa ken, bakit pa ako nabuhay e ‘yung mga ibang basher naman dyan hindi pa sila pinanganganak modesty aside Ai Ai na ako e bakit naman ako matatakot sa kanila.

“Saka opinyon ko yon…Wala naman silang magagawa…lahat tayo iba iba ang opinyun.. tao lang tayo ang mahalaga ok ang opinyon ko sa mata ng DIYOS,” text sa amin ni Ai Ai.

Dagdag pa niya nang tumawag sa amin, “Wala akong Twitter pero doon nila ako bina-bash. Instagram ang madalas kong gamit.

“May isa akong basher sa IG pero tatanga-tanga pa. Komento niya, ‘How’s your pre-marital sex?’ Eh baka hindi pa niya alam na may asawa ko.

“Bakit ako may pre-marital sex? Kaloka! Yun yung sinasabi ko na makapam-bash lang hindi na iniisip ang mga pino-post nila.

“Naku, ‘yang mga basher na ‘yan, walang pambayad sa sine at ‘yung mayamang bashers, Netflix ang pinanonood nila!

“Manood na lang sila ng D’ Ninang at huwag nang pakialaman ang opinyon ko! Ha! Ha! Ha!” bulalas pa ng Comedy Queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending