Kilalang female star sobrang tigas ng ulo, pati sariling nanay binabalewala | Bandera

Kilalang female star sobrang tigas ng ulo, pati sariling nanay binabalewala

Cristy Fermin |January 11,2020
facebook
share this

Kilalang female star sobrang tigas ng ulo, pati sariling nanay binabalewala

Cristy Fermin - January 11, 2020 - 12:30 AM

KUNG totoo ang kasabihan na kapag pinag-uusapan ang isang tao ay nakakagat niya ang kanyang dila, siguro nga ay pipi na ngayon ang isang pamosong female personality, dahil siya ang palaging paksa ngayon sa maraming umpukan.

Maraming kuwento tungkol sa kilalang female personality, maraming nanghihinayang sa kanyang career na nasimulan niya nang maayos, pero bigla na lang siyang nawala sa sirkulasyon.

Sabi ng isang miron sa umpukan, “May katigasan kasi ang ulo ng babaeng ‘yun, hindi siya nakikinig sa mga nagpapayo sa kanya, may sarili siyang mundo!

“Kitang-kita niya naman kung paano mahalin ng mommy niya ang hanapbuhay na nakagisnan niya, kahit ang ibang relatives nilang nag-aartista rin, e, nagmamahal sa work nila!

“Pero siya, hindi man lang nagmamalasakit sa trabaho niya, kung ano ang maisipan niyang gawin, wala talagang nakapipigil sa kanya!” simulang chika ng aming source.

Nag-aral siya sa ibang bansa, sustentado ng kanyang ina ang pag-aaral niya, pero kapos na kapos siya sa pakikipagkomunikasyon sa kanyang pamilya.

Sabi naman ng isa pang nasa umpukan, “Nakakaloka siya, napakarami niyang oras na sinasayang sa mga pinaggagagawa niyang wala namang kabuluhan!

“Walang ibang balita tungkol sa kanya kundi ang pakikipag-boyfriend niya, palaging ‘yun lang, ni wala ngang balita kung nakapagtapos ba siya ng pag-aaral niya?

“Sana lang, e, huwag niyang basta-basta pinuputol ang communication niya sa family niya, kasi, kapag may nangyari namang hindi maganda sa kanya, e, ang pamilya niya pa rin ang tutulong sa kanya.

“Ayan tuloy, maraming nagsasabi na nakuha niya ang ganu’ng ugali sa pinagmanahan niyang alam n’yo na kung sino! Sila-silang magkakapamilya, e, nagbabangayan ngayon dahil sa property!

“Natural lang na maghanap ang mommy niya, anak siya, e! Kung ang aso o pusa nga kapag nawawala, e, hinahanap, siya pa kayang tao ang hindi?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi naman, kasi naman, kasi naman! Magising na sana siya sa katotohanan na hindi tama ang mga pinaggagagawa niyang pagwawala-walaan!” pagtatapos ng miron sa umpukan.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi magpapaupo sa inyo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan ang kuwentong ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending