Alice Dixson 50 na pero pinapantasya pa rin ng mga bagets | Bandera

Alice Dixson 50 na pero pinapantasya pa rin ng mga bagets

Cristy Fermin |January 11,2020
facebook
share this

Alice Dixson 50 na pero pinapantasya pa rin ng mga bagets

Cristy Fermin - January 11, 2020 - 12:25 AM

ALICE DIXSON

Maigsi lang pala ang partisipasyon ni Alice Dixson sa seryeng Beautiful Justice bilang si Black Rose. Nu’ng Huwebes nang gabi ay pinatay na siya ng kaagawan niya sa posisyon bilang leader ng isang sindikato na si Valeen Montenegro na kapala-palakpak ang pag-arte.

Nakakaaliw ka-text ang maganda pa ring si Alicia. Meron siyang mga komentong kanyang-kanya lang talaga. Tanggapin natin ang katotohanan na sa edad niyang singkuwenta na ay siya pa rin ang iniilusyon ng mga bagets.

Wala kasi sa kanyang itsura ang edad niya, parang kuwarenta lang ang magandang aktres, dahil wala siyang hilig sa kung anu-anong kolorete sa mukha.
Ilang taon na siyang libreng makipagrelasyon at magpakasal, pinawalang-bisa na sa Canada ang kasal nila ng isang kababayan din natin, hindi sila nagkaroon ng anak na matagal na niyang hinihiling.

May boyfriend ngayon si Alice Dixson, manager ng isang hotel sa Boracay ang dahilan ng kaligayahan niya ngayon, harinawang kung sa altar ang tuloy ng kanilang relasyon ay mabiyayaan sila ng anak.

Madalas mapagkamalang suplada ang aktres pero kung mabibigyan lang ng pagkakataong makilala siya nang matagalan ay mapatutunayang may magandang puso si Dikya.

Malambot ang kanyang puso sa mga bata, kaya taun-taon ay may pa-bowling siya na ang kikitain ay ibinabahagi niya sa isang orphanage sa Bacolod, naging panata na niya ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending