Bagong dyowa ni Carlo inokray ni Angelica, copycat daw? | Bandera

Bagong dyowa ni Carlo inokray ni Angelica, copycat daw?

Ervin Santiago |January 10,2020
facebook
share this

Bagong dyowa ni Carlo inokray ni Angelica, copycat daw?

Ervin Santiago - January 10, 2020 - 01:00 AM

ANGELICA PANGANIBAN

Pinatutsadahan ni Angelica Panganiban ang isang taong ayaw na ayaw niya na umano’y nanggagaya sa kanyang itsura at style sa pagpo-post niya sa social media.

Nag-tweet ang Kapamilya actress nitong nakaraang araw na tila may pinatatamaan. Aniya, “Giirrl, bakit ako ginagaya nung taong ayaw ko? Hahaha. Peg niya ko. Please send help.”

Maraming nagtanong sa dalaga kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang tweet pero may ilan namang nagsabi na kakilala na nila ang taong pinatutungkulan ni Angelica. Napansin din daw kasi nila ang mga posts nito sa social media na tila siya ang peg.

Comment ng ilang netizens, “inggit” at “insecure” raw ang taong ‘yun at baka raw bet din siyang gamitin tulad ng isang male celebrity na may konek dito. Pero walang sinagot si Angelica sa kanyang followers.

Isa namang follower ng aktres ang nagkomento na hayaan na lang daw ni

Angelica na mamulubi at maghirap ang taong kinaiinisan niya sa kakagaya sa kanya. Na sinagot naman ng aktres na, “Pwede rin ako mag garage sale ng mga luma kong gamit. Tutal bet niya yata mga pinaglumaan ko. (peace sign emoji).”

Kahapon, nakita namin ang isang post ng fan ni Angelica kung saan pinagtabi nito ang litrato ng dalaga at ng modelong si Trina Candaza, ang bagong girlfriend ng ex ni Angelica na si Carlo Aquino. Pareho naka-floral dress sina Angelica at Trina na may caption na “Angge impersonator (face with tears of joy emoji).”

Walang comment si Angelica sa nasabing post, pero naniniwala ang mga netizens na si Trina nga ang taong tinutukoy ni Angelica.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending