#Nganga: Sikat na beking celeb butata sa cager, regalong sasakyan isinauli | Bandera

#Nganga: Sikat na beking celeb butata sa cager, regalong sasakyan isinauli

Cristy Fermin |January 10,2020
facebook
share this

#Nganga: Sikat na beking celeb butata sa cager, regalong sasakyan isinauli

Cristy Fermin - January 10, 2020 - 12:45 AM

ANG dami-daming kuwentong kumalat nu’n tungkol sa pagkahibang ng isang sikat na becki personality sa isang sikat na basketball player.

Pagkahibang ang ginamit na salita ng mga impormante dahil talagang ginagawa ng sikat na becki ang lahat-lahat ng paraan para lang makuha niya ang loob ng kinahihibangan niyang manlalaro.

Pero hindi kinasihan ng kapalaran ang popular na becki, marunong umiwas ang basketball player, maparaan ito kaya hindi man lang naka-first base ang kanyang mangingibig.

Kuwento ng aming source, “‘Yun ang dakilang pag-ibig niya! Talagang sobra-sobra ang pagka-in-love niya sa lalaking ‘yun! Ginagawa niya ang lahat para lang makasama niya ang guy, nagtitiyaga siya!

“Tumatambay siya sa practice, alam niya ang schedule ng mga laro nu’ng guy, sumisingit siya para makasama ang pinakaiibig niyang player!

“Pero maparaan ang lalaki! Kapag nag-iimbita siyang lumabas, isinasama ng guy ang buong tropa niya! Anong milagro ang magaganap kung nandu’n naman palang lahat ang mga kasamahang players ng kanyang kinahihibangan?

“Hindi niya masolo ang guy, palagi kasing nagsasama ng mga katropa, ‘yun ang matinding himutok ng lola n’yo!” umpisang chika ng aming impormante.

Napabalita rin na ibinili ng bagong sasakyan ng sikat na becki ang star player ng kanyang team. Totoo naman ‘yun, pero ang tanong, tinanggap ba naman ng basketbolista ang magara niyang regalo?

Patuloy ng chikadora naming source, “Heto na. Walang katotohanan na nasa pangalan ng guy ang sasakyan. Linawin natin ‘yun! Nasa pangalan pa rin ng becki ang karu!

“Pangalawa, isinoli ‘yun ng guy sa kanya! Para maging malinaw uli, may mga kasamahan siyang kasama sa pagsosoli ng sasakyan!

“Nu’ng ayaw magbukas ng gate ng bahay ng becki, ihinagis nu’ng guy ang susi sa loob ng bakuran ng becki, ‘yung makikita agad-agad, saka niya iniwanan ang car sa tapat ng bahay ng kanyang matinding mangingibig!

“So, ‘yun ang kuwento, ha? Bumili nga siya ng car para sa star player, pero isinoli rin sa kanya, ‘yun ang tunay na pangyayari!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi kasi maganda ang kuwento na tinanggap kuno ng player ang car, hindi totoo ‘yun! Nabigo siya kay kuyang player, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na this! Napakadaling hulaan ang mga bumibida sa kuwentong itey!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending