Pagharang sa pagbabalik-GMA ni Bong wa epek | Bandera

Pagharang sa pagbabalik-GMA ni Bong wa epek

Cristy Fermin |January 10,2020
facebook
share this

Pagharang sa pagbabalik-GMA ni Bong wa epek

Cristy Fermin - January 10, 2020 - 12:40 AM

BONG REVILLA

Isa sa mga pambatong programa ng GMA 7 ngayong 2020 ang Agimat Ng Agila ni Senador Bong Revilla. Sa teaser pa lang ay nang-iimbita na ang palabas.

Pagkatapos nang limang taon ay muling mapapanood ang aktor-pulitiko sa isang serye, pinagbigyan ang hiling ng kanyang mga tagahanga na muli siyang mapanood nang regular sa telebisyon, tulad nu’ng dati niyang programang Kap’s Amazing Stories.

May mga agarang bumatikos sa kanyang proyekto, kasama na ang dalawang personalidad na naglantad ng kamalditahan kontra sa kanilang kasamahan sa industriya, pero nakapagpabago ba ‘yun sa mga plano?

Tuloy na tuloy na ang Agimat Ng Agila, isang maaksiyong serye na pinaghahandaan na nang todo ng aktor-pulitiko, para ihandog sa mga nananabik niyang tagasuporta.

Ang nakaraang halalan ang buhay na patunay na mahal pa rin ng ating mga kababayan si Senador Bong Revilla. Sa kabila ng mga ibinabatong paghusga sa kanya ay nakakopo pa rin siya ng upuan sa Senado, isang patotoo na buhay na buhay pa rin ang kanyang mga tahimik lang na tagahanga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending