McCoy de Leon nakiusap Kisses Delavin: Wag niya akong tawaging kuya | Bandera

McCoy de Leon nakiusap Kisses Delavin: Wag niya akong tawaging kuya

Jun Nardo |January 10,2020
facebook
share this

McCoy de Leon nakiusap Kisses Delavin: Wag niya akong tawaging kuya

Jun Nardo - January 10, 2020 - 12:20 AM

McCOY DE LEON AT KISSES DELAVIN

NAKIUSAP si McCoy de Leon kay Kisses Delavin na huwag siyang tatawaging Kuya habang nagsu-shooting sila para sa bagong Regal movie na “D’Ninang.”

“Iniiwasan naman niya. Kaya nga minsan, hindi na niya binabanggit ang pangalan ko! Ha! Ha! Ha!” sambit ni McCoy sa interview niya sa press bago ang media launch ng bago nilang family comedy.

Nadiskubre ni McCoy ang pagiging mapagmahal ni Kisses sa kanyang fans nang magkasama na sila sa shooting ng “D’Ninang” at talagang bumilib siya sa kabaitan ng dalaga.

“Ang tindi ng pagmamahal niya sa fans, kaya mahal na mahal din siya nga mga supporters niya,” sey ni McCoy.

Impressed din siya sa katalinuhan ni Kisses, “’Yun ang puwede kong matutunan sa kanya. Tahimik lang siya eh, pero kapag nakausap mo na siya, malalim, marami ka ring matututunan sa kanya.”

Isa naman sa wishes ng aktor ngayong 2020 ay magkaroon ng lovelife lalo na’t matagal na rin siyang single.

“Oo, aaminin ko rin. Hangga’t meron naman, poprotektahan ko. Aalagaan ko,” lahad ng young actor.

So ‘yung sa kanila ni Miles Ocampo hindi niya naalagaan? “Opo. Hindi ko naman masasabi na hindi ko inalagaan.
“Siguro, timing na rin. Mabuting tao naman siya at nirerespeto ko kung anuman ang desisyon niya.

“Ang mahalaga, napanatili namin ang pagkakaibigan namin, maayos pa rin yung friendship, yun ang mahalaga,” diin ni McCoy.

Ang gaganap na ninang nila ni Kisses sa pelikula ay si Ai Ai delas Alas at mapapanood ito sa Jan. 22.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending