300 delegado mula sa Asya rarampa sa Pinas para sa 2020 Asian TV Awards | Bandera

300 delegado mula sa Asya rarampa sa Pinas para sa 2020 Asian TV Awards

Reggee Bonoan - January 09, 2020 - 12:01 AM

TIYAK na tripleng higpit ng security ngayon sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pagdating ng mga sikat na personalidad mula sa iba’t ibang panig ng Asia.

Inaasahan ang tight security sa NAIA dahil sa gaganaping 24th Asian Television Awards sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa Pasay City na magsisimula na sa Enero 10 hanggang 12.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mangyayari sa Pilipinas ang nasabing yearly entertainment event.

Aabot sa 300 international delegates, composed of filmmakers, TV producers, actors at TV hosts ang darating sa bansa para sa malaking event na ito sa kasaysayan ng Philippine Showbiz.

Sa Enero 11 ang dating ng Thai actor na si Chanon Santinatornkul na nominado bilang Best Actor in a Leading Role for his performance in “Bangkok Love Stories: Plead.” Kasama rin siya sa hit movie na “Bad Genius” na ipinalabas noong 2017.

Ang iba pang Thai young actors na darating para sa 24th Asian Television Awards ay sina Poonpat Atthapunyapol, Attaphan Phunsawat, at Purim Rattanaruangwattana.

Ang tatlong nabanggit ay super sikat sa Thailand at all over Asia ang kanilang mga supporters.

Darating din sa Pilipinas ang pambato ng Taiwan na sina Lawrence Liu at Lin Ming Zue dahil kasama rin sila sa mga nominado sa pagka-Best Actor in a Supporting Role.

Ang komedyante at rapper na si Zizan Razak, isa sa Malaysia’s most popular celebrities today ay magiging performer naman sa awards night kasama ang Indonesian/K-Pop girl group na Cherry Bullet at ang Indonesian singer-songwriter na si Anggun.

Nominado naman sa pagka-Best Actress in a Supporting role ang kilalang Vietnamese star na si Phi-Huyen Trang pati na ang Thai actress na si Anyarin Terathananpat.

Ang nakalaban ni KZ Tandingan sa singing search na China Singer 2018 na si Chinese-British singer-songwriter Tien Chong ay inaasahang dadalo rin sa event.

Ang iba pang rarampa sa red carpet ng 2020 Asian TV Awards ay sina Chanya McClory (ng Thai Netflix original series na The Stranded), Singaporean actor Benjamin Josiah, Malaysian actress Ruhainies Farehah, Thai actresses Machida Sutthikulphanich (ng digital TV series na Abandoned), Tisanart Sornsuek at Sutatta Udomsilp (parehong Best Actress in a Leading Role nominees), Vietnamese singer Hoang Yen Chibi at Taiwanese actor William Hsieh (bida ng Taiwanese show na First Love).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ang pambato naman ng Pilipinas na dadalo sa awards night ng 24th Asian Television Awards ay sina Martin del Rosario, ang mang-aawit na sina Jona at Kiana Valenciano, ang aktres na si Diana Zubiri, female pop group 4th Impact, theater actor Arman Ferrer, Kris Lawrence at marami pang iba.

Ang tickets para sa 24th Asian Television Awards ay available na sa www.ticketworld.com.ph. For more information, follow @asiantvawards on Facebook and Instagram.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending