Maine saludo sa tapang ng mga beki: Hindi madaling aminin ang tunay na pagkatao on national tv! | Bandera

Maine saludo sa tapang ng mga beki: Hindi madaling aminin ang tunay na pagkatao on national tv!

Jun Nardo - January 07, 2020 - 12:48 AM

MAINE MENDOZA

HINANGAAN din ni Maine Mendoza ang tapang ng mga bading na kalahok sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaa sa paglantad ng kanilang sexual preference on national TV.

Bumaha ng luha sa loob ng APT Studios last Saturday dahil sa kuwento ng ilang kababayan nating beki.

Tweet ni Meng, “Bumabaha ng luha ngayon sa APT Studios. Sniffs… Coming out is not easy kaya proud kaming lahat sa tapang niyo to do it here.”

“Isang mahigpit na yakap sainyong lahat!” dagdag pang mensahe ng Dubsmash Queen.

Sa nasabing episode ng “BJ” ang aktres at former Miss International 1979 na si Melanie Marquez ang celebrity guest player at kailangan niyang hulaan kung sino sa mga invited guests ang hindi pa umaamin sa pamilya na bading sila. At isa nga rito ang rebelasyon ni Jimar na naging top trending topic pa sa Twitter habang umeere ang EB sa telebisyon na siyang nagpaluha sa hosts ng programa at ng mga manonood sa buong mundo.

Hindi lang si Maine among the Dabarkads ang na-touch at talagang napaluha sa pag-amin ni Jimar sa kanyang tunay na pagkatao, kundi maging sina Vic Sotto, Joey de Leon at Paolo Ballesteros.

Hindi na nagisnan ni Jimar ang kanyang biological father at na-mett lang niya ang tunay na ama noong 2014 pero hindi ito alam ng nanay niya. Mensahe niya sa kanyang ina, “Ma, sana matanggap mo ako kasi doon po ako masaya at nagmamahal ako ng kapwa ko. Sana matanggap ako ng maraming tao kasi masaya ako ngayon. Naibulgar ko na para maging malaya na rin ako.”

Sinorpresa ng Eat Bulaga si Jimar sa pamamagitan ng pag-imbita sa tatay niyang si Marcelo sa APT Studios at ang pagkikita ng mag-ama nagpaiyak sa mga Dabarakd.

       Bumalik muli ang sigla ng televiewers sa Eat Bulaga dahil sa makabuluhang segment nitong “Bawal Judgmental”.          

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending