Pacquiao darami pa ang absent sa Senado ngayong 2020 | Bandera

Pacquiao darami pa ang absent sa Senado ngayong 2020

Ronnie Carrasco III - January 06, 2020 - 12:30 AM

MANNY PACQUIAO

IN AN earlier column on our predilection for (foreign) action movies ay nagpahayag kami how excited we are this early about Sen. Manny Pacquiao’s bankrolling a project kung saan pagsasama-samahin niya ang mga aktor at aktor-politiko in what will yet turn out to be a mala-The Expendables local version type of a film.

Not only will Pacman invest, may papel din siyang gagampanan sa pelikulang si Coco Martin ang napupusuang maging direktor.

Of course, we all know that Pacman wears many hats. Isa rin siyang aktibong boksingero whose trainings and bouts get in the way of his official duties as senator.

Nitong 2019, naiulat na siya ang top absentee sa Senado. Ang lagay na ‘yon, nasa drawing table pa lang ang pagpoprodyus niya, how much more when it’s already in the works?

* * *

May suhestiyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng ABS-CBN na mukhang desidido niyang maipasara: ang ibenta na lang ito.

Ang siste, a new network is emerging somewhere, a Chinese-owned one na ang may-ari ay hindi iba sa kanya. Reports have it that it will and can operate like a fully established station na meron ding entertainment division.

If sa isang banda ay matigas ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan never to part with Maynilad anumang panggigipit ang ginagawa sa kanila, well-meaning pieces of advice are also pouring in para sa Kapamilya network na huwag itong ibenta ng mga Lopezes.

No words can be harsher na yata than the President claiming na ang pagpapasara sa Kapamilya network ay para makaganti ang mga mamamayang ginawan nila ng ‘di mabuti.

Mataman man naming isipin, sa kanya lang may umanong atraso ang istasyon, and he doesn’t represent the entire Filipino people.

Bakit kailangang idamay sa usapin ang ‘di mabilang na mga tao at institusyon na natulungan ng ABS-CBN living up to its slogan? What “mamamayan” is the dear President talking about?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung maka-“makaganti” naman si Digong wagas…eh, ‘yung Wagas ay programa sa kalabang network, ‘no!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending