Produ may pakulo sa premiere night ng 'MIA' nina EA at Coleen | Bandera

Produ may pakulo sa premiere night ng ‘MIA’ nina EA at Coleen

Reggee Bonoan - January 03, 2020 - 12:10 AM

EDGAR ALLAN GUZMAN AT COLEEN GARCIA

May pakulo ang producer ng pelikulang “MIA” na si Chris Cahilig sa gaganaping premiere night nito.

Lahat ng babae at miyembro ng LGBTQ na may pangalang Mia ay libreng makakapasok sa SM Megamall Cinema 1 sa Enero 13.

Narito ang post ni Chris sa kanyang Facebook page, “MIA BA ANG PANGALAN MO? Kung kapangalan mo si Mia, may chance kang dumalo nang LIBRE sa National Mia Day kung saan may special screening ng aming pelikula starring Coleen Garcia and Edgar Allan Guzman. Gaganapin ito ngayong January 13, 2020 sa Cinema 1 ng SM Megamall. PM us para malaman kung paano ka makakakuha ng libreng ticket sa National Mia Day!”

Mukhang magtutuluy-tuloy pa rin ang suwerte ng Viva Films ngayong 2020 dahil bukod nga sa kanila pareho ang “Miracle in Cell No. 7” at “The Mall The Merrier” na tiba-tiba sa box-office ay heto at ilalabas naman nila ang “MIA” mula sa direksyon ni Veronica Velasco. Showing na ito sa Enero 15 nationwide.

Ito’y isang romantic-comedy film tungkol sa doktor na si Mia Salazar (Coleen) at sa nerd na si Jay Policarpio (Edgar Allan). Sa isang IG post ni Coleen, inamin niyang sobrang nag-enjoy siya sa paggawa ng pelikula at nagkaroon talaga ng sepanx (separation anxiety) nang natapos na ang kanilang shooting.

“Playing Mia has been amazingly fun and refreshing for me! I’ll really miss it! Kinda sad that that part ends here, but I’m also so excited for you guys to see it! I know I haven’t shared much about it yet, but it’s a film that will make you smile for sure. Thank you to the whole team behind Mia! It has been such a pleasure working with you guys!” mensahe ni Coleen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending