Residente ng Boracay kinondena ang tone-toneladang hindi nakolektang basura | Bandera

Residente ng Boracay kinondena ang tone-toneladang hindi nakolektang basura

- January 02, 2020 - 05:50 PM

IDINAAN sa social media ng mga dismayadong residente at business operator ang pagbatikos sa hindi nakokolektang basura sa mga kalsada sa harap naman ng punong-puno na mga hotel at resorts sa Boracay.

“Outrageous. Where are the government officials and agencies for the past week? Garbage collection cannot afford a vacation,” sabi ng isang residente.

Sinabi ng isang residente at business operator na sinimulan lamang ang pagkolekta ng basura, isang linggo matapos na tumama ang bagyong Ursula.

Base sa Boracay Action Plan ng gobyerno, aabot sa 67 toneladang basura ang naiipon kada araw.

 

Pumila ang mga residente sa mga automated teller machines ng mga gasoline station matapos namang magkaroon ng kakulangan sa suplay ng diesel na ginagamit sa power generator sets.

Sinabi ni acting Malay Mayor Floribar Bautista na inalis na ang paghihigpit sa pagbibiyahe ng produktong petrolyo sa isla para matugunan ang kakulangan.

“The LGU of Malay (has) coordinated with different haulers in the municipality to augment the hauling of wastes and debris left by the typhoon. Also, we have coordinated with capable establishments in the municipality to assist us as part of their social responsibility,” sabi ng pahayag ng lokal na pamahalaan.

“We are still reminding everyone that burning of garbage/debris is prohibited by law,” ayon pa sa pahayag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending