Alden maraming pasabog sa 2020; gagawa uli ng movie sa ibang bansa | Bandera

Alden maraming pasabog sa 2020; gagawa uli ng movie sa ibang bansa

Jun Nardo |January 02,2020
facebook
share this

Alden maraming pasabog sa 2020; gagawa uli ng movie sa ibang bansa

Jun Nardo - January 02, 2020 - 12:20 AM

SUMABAK agad sa trabaho si Alden Richards pagbalik niya mula sa South Korea kung saan siya nag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya.

Kabilang si Alden sa mga Kapuso artists na naging bahagi ng GMA New Year’s Countdown To 2020 last Dec. 31 na ginanap sa Seaside ng SM Mall of Asia.

Kahapon, live na live na uli ang Eat Bulaga sa APT Studio at nagbalik na rin ang Asia’s Multimedia Star sa noontime ng GMA 7. Kahit napuyat at napagod sa Countdown ng GMA ay todo hataw pa rin siya kahapon sa Eat Bulaga.

Ngayong araw naman ay magse-celebrate si Alden ng kanyang birthday.

Of course, 2019 has been a very good year for Alden. At napatunayan niyang kahit wala na ang loveteam nila ni Maine Mendoza ay makakagawa pa rin siya ng mga matagumpay na projects.

Last year, gumawa pa ang binata ng kasaysayan sa mundo ng pelikula matapos tanghaling highest grossing local film ang “Hello, Love Goodbye” kung saan nakatambal niya si Kathryn Bernardo.

This coming Sunday naman, siya pa rin ang magiging pambato ng GMA 7 sa bagong musical comedy show na All Out Sunday, ang kapalit ng nagtapos ng Sunday PinaSaya.

At sa pagpasok ng 2020, isang pelikula uli ang gagawin ni Alden at balitang sa ibang bansa uli ito isu-shoot. Hindi pa namin pwedeng pangalangan ang makakasama niya sa movie. Hintayin na lang natin ang official statement ng nga producer nito.

Sa patuloy na pagdating ng blessings sa buhay ni Alden, ang kabutihan ng puso niya at pananalig sa Diyos ang mga dahilan kung bakit buong-buo pa rin siya sa kabila ng mga pagtatangka ng ilang grupo na pabagsakin siya, huh!

Samantala, naglaway naman ang mga beki sa sexy photo ni Alden sa Instagram kung saan ibinandera ng binata ang kanyang katawan. Ito ang buwena-manong pasabog ni Alden sa kanyang fans. #PaYummy!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending