Sylvia Sanchez maraming pasabog sa 2020; 'Lucky charm' ni Rhea Tan | Bandera

Sylvia Sanchez maraming pasabog sa 2020; ‘Lucky charm’ ni Rhea Tan

Ervin Santiago - December 28, 2019 - 12:36 AM

KUNG inulan ng blessings ang 2019 ni Sylvia Sanchez, siguradong mas magiging bongga ang 2020 para sa award-winning Kapamilya actress.

In fairness, lahat ng mga teleseryeng ginawa ni Ibyang sa ABS-CBN ay puro hit, at top-rater din ang umeereng serye niya ngayon na Pamilya Ko. Dumarami rin ang kanyang endorsements at nakapagpatayo na rin siya ng ilang negosyo, kabilang na ang sarili niyang mga Beautederm stores sa tulong na rin ng may-ari nito at BFF niyang si Rhea Tan.

Kamakailan ay pumirma rin siya ng kontrata bilang bagong talent ng ALV Management ni Arnold Vegafria na nauna nang nagbalita na maraming pasabog ang aktres ngayong 2020.

May ilang projects nang niluluto si Arnold ngayon na siguradong ikatutuwa ni Ibyang, “Hindi ko pa puwedeng banggitin hangga’t hindi pa closed ang deal, pero it’s a detergent and a coffee plus many more.” Bukod dito, gagawa rin ang Kapamilya award-winning actress ng mga pelikula sa susunod na taon kasabay ng pagsisimula ng sarili niyang production company.

Sa ilang taon na niyang pamamayagpag sa showbiz, marami na rin siyang nakatrabahong malalaking artista pero may mga dream projects pa siya na sana raw ay matupad in the near future, “Ang dami ko pang gustong makatrabaho, sina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta. At gusto ko pa uli maka-work si Maricel Soriano.”

Natanong naman si Ibyang tungkol sa kanyang mga bashers, lalo na ‘yung mga kontra sa relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde, “Mahirap na silang pansinin kasi walang mga mukha, e. Hindi mo alam kung sino sila, di ba, mahirap, so tawanan na lang.

“’Tsaka ang pinakamagandang panlaban is dasal. Di ba, walang imposible sa Diyos? Pag yun ang kakampi mo, walang puwedeng mag-down sa ‘yo,” aniya.

Sa mga pamba-bash ng netizens sa kanya, ano yung pinakamasakit? “Yung sa mga anak ko, siyempre nanay ako, e. Sa akin, sa sarili ko, tirahin niyo ako masasakit na salita, i-down niyo ako, ano na lang, e…

“Ang dami ko nang pinagdaanan na mas masakit, e. Parang okay na sa akin na tirahin niyo ako, apihin niyo ako, sanay na ako diyan sa sarili ko. Pinagtibay na ako sa experience ko, pinagtibay na ako ng panahon. Pero pag pinapasok ang pagiging nanay ko, dun ako nasasaktan sa mga anak ko.

“Buti na lang yung mga anak ko, matatalino din, ‘Mom, don’t mind them.’ Hindi sila nagbabasa. So, sila din, alam nila yung pinasok nila na, ‘O, ‘nak, sa showbiz, meron talagang may gusto sa ‘yo o walang gusto sa ‘yo.’ So, ni-ready ko naman sila nu’n. Matapang si Arjo at si Ria, so tumatapang ako lalo dahil nakikita ko yung mga anak ko,” paliwanag ni Sylvia na kasalukuyang nasa Dubai ngayon kasama ang kanyang pamilya para sa Pasko at Bagong Taon.
* * *
Bilib na bilib naman ang may-ari ng Beautederm na si Rhea Tan sa tapang at sipag ni Sylvia Sanchez bilang nanay. Ito ang dahilan kung bakit mahal na mahal niya ang aktres hindi lang bilang number one celebrity endorser nila kundi bilang isang tunay na kaibigan. Naniniwala siya na isa si Ibyang sa mga lucky charm ng kanyang kumpanya kaya pang-forever na ang kanilang “kontrata”. In fairness, may friendship ring din sila bilang tanda ng kanilang “committment” sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Beautederm is a home for all women who want to feel and look beautiful inside and outside. Sylvia is a testimony that the brand is legit and effective. It helps Filipinas to achieve beauty that is beyond skin,” ani Rhea. Dugtong pa niya, “Apart from being a celebrity, Ms. Sylvia Sanchez exudes youth because of her effortless glow. She maybe well over her 40s, but she doesn’t look her age at all. She’s the perfect face for women who long for self love and graceful aging.”

“Working with Ms. Sylvia Sanchez has been nothing but fruitful. As we have grown into a long-lasting friendship, having her as part of the Beautéderm family has only been more delightful and successful. I learned that it’s not just about the business, but about the relationships you build around it that matter most,” dugtong pa ng super successful na negosyante na hindi lang pera-pera ang prinsipyo sa buhay dahil kasabay ng kanyang tagumpay ay ang tagumpay din ng lahat ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
* * *

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending