Alden sa lahat ng fans, kaibigan: Salamat, binuo n'yo ang aking pagkatao | Bandera

Alden sa lahat ng fans, kaibigan: Salamat, binuo n’yo ang aking pagkatao

Jun Nardo - December 26, 2019 - 12:15 AM

ALDEN RICHARDS

WINTER Christmas ang naranasan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ng kanyang pamilya habang nasa South Korea.

Enjoy na enjoy ngayon ang Pambansang Bae sa pagbabakasyon sa Korea with his family of course. Talagang sinusulit ng aktor ang bawat oras na kasama ang kanyang loved ones.

Nang sumapit ang hatinggabi kamakalawa ay sama-sama silang nagsimba para mag-thank you sa patuloy na blessings na tinatanggap ng kanilang pamilya.

Nagpasalamat si Alden sa lahat ng taong nakasama niya sa buhay niya pati na sa mga biyayang natamo nitong 2019.

“Sa lahat ng taong naging parte at parte pa rin ng buhay ko, maraming salamat sa inyo.

“Binuo niyo ang aking pagkatao. Maligayang Pasko po.

“Lord maraming salamat po sa lahat ng biyaya niyo. Love you LORD. Happy birthday,” tweet ng bida ng Kapuso series na The Gift.

Babalik si Alden sa bansa para pamunuan ang GMA New Year’s countdown sa Dec. 31. At sa darating naman na Jan. 5, magiging bahagi rim siya ng All Out Sunday, ang bagong musical variety show ng GMA na siyang kapalit ng Sunday PinaSaya.

Ilan sa makakasama ng Kapuso heartthrob ang comic tandem nina Super Tekla at Boobay bilang kapalit nina Jose Manalo at Wally Bayola. Ka-join din sa nasabing programa sina Glaiza de Castro, Julie Anne San Jose, Christian at Mark Bautista, Aicelle Santos at marami pang iba.

Anyway, bago umalis si Alden patungong Korea , sinorpresa muna niya ang isang pamilya sa Cavite na pagsasaka ang ikinabubuhay. Siyempre, gulat na gulat ang mga ito nang makita nang personal si Alden.

Maligayang Pasko sa lahat ng readers ng BANDERA!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At huwag kalimutang manood ng lahat ng entries sa 2019 Metro Manila Film Festival! Mabuhay ang pelikulang Pilipino!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending