Maymay, Edward magkahiwalay muna sa Pasko, babawi sa pamilya | Bandera

Maymay, Edward magkahiwalay muna sa Pasko, babawi sa pamilya

Ervin Santiago - December 23, 2019 - 12:20 AM

SUNUD-SUNOD na mga bago at naglalakihang programa ang hatid ng ABS-CBN sa pagbubukas ng 2020, kasama ang mga teleseryeng pagbibidahan ng mga pinakasikat na bituin, pagbabalik ng minahal na reality-singing competition, at inaabangang Asian dramas.

Matapos ang higit sa isang taon na paghihintay ng kanilang mga tagahanga, nakatakda nang magbalik-telebisyon ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil ngayong Enero sa pag-uumpisa ng kanilang seryeng “Make It With You” na kinuhanan pa sa Croatia.

Matutunghayan din sa pagpasok ng taon ang pagsasama-sama ng mga aktor mula sa iba’t ibang henerasyon na bibigyang buhay ang kwento ng mga huwarang sundalo sa “A Soldier’s Heart,” starring Gerald Anderson, Nash Aguas, Yves Flores, Elmo Magalona, Vin Abrenica, Jerome Ponce at Carlo Aquino.

Dalawang bagong Asian dramas din ang mapapanood simula Enero, kabilang ang most awarded nitong 2019 na “Yang Xi” at “Flower Crew Dating Agency” na pinagbibidahan ng South Korean actor at rapper na si Kim Min-jae.

Mag-uumpisa naman ang Pebrero sa pagbabalik ng reality-singing competition na “The Voice Teens,” kung saan muling sasabak ang international star na si Apl.De.Ap bilang isa sa coaches.

Tampok naman sa Marso ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber na kakikiligan sa kanilang unang teleserye na “When We Fall In Love” na kinunan sa Japan.
* * *
Speaking of Maymay and Edward, hindi magkakasama ang sikat na Kapamilya loveteam ngayong Pasko.

May kanya-kanya silang plano sa Christmas Day pati na rin sa Bagong Taon. Ito raw ang tamang panahon para bumawi naman sila sa kanilang pamilya dahil na rin sa dami ng trabaho nila nitong mga nakaraang buwan.

Sey ni Edward, sa probinsiya siya magpa-Pasko kasama ang pamilya at pagkatapos ay bibiyahe naman siya papuntang England para bisitahin ang kanyang lolo.

“Pupunta ako sa La Union. I’m going to spend Christmas with all my family there. So hiwalay kami this Christrmas. Tapos sa New Year pupunta ako sa England, I’m going to be with my lolo. So it’s all about my family,” pahayag ni Edward sa isang panayam.

Chika naman ni Maymay, “Pero okay lang po kasi dapat po talaga Christmas for family po talaga ‘yan, hindi ba?” Plano rin ng dalaga na bumiyahe papuntang Japan para makasama ang ina.

“Ang plano ko po kasi ‘yung last kasi na nag-Christmas kami nu’ng Mama ko ay nu’ng elementary pa.
“Kaya ang plano ko ay talagang dapat siya ang kasama ko sa Christmas, kasama ang kuya ko at si Rio. Punta ako ng Japan kay Mama,” sabi pa ni Maymay na kamakailan lang ay niregaluhan ng bahay sa Japan ang ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending