Pokwang kay Maine: Wala akong na-feel na pagmamaldita kahit pagod na pagod siya | Bandera

Pokwang kay Maine: Wala akong na-feel na pagmamaldita kahit pagod na pagod siya

Bandera - December 21, 2019 - 12:15 AM

POKWANG AT MAINE MENDOZA

Puring-puri ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza ng mga co-stars niya sa 2019 MMFF entry na “Mission Unstapabol: The Don Identity”.

Very obvious na hiyang-hiya ang dalaga habang inilalarawan siya nina Bossing Vic Sotto at Pokwang sa presscon ng kanilang pelikula kamakailan. Natanong kasi ang cast members ng pelikula kung paano nila ide-describe si Maine bilang katrabaho.

Chika ni Pokwang, “Nakita ko sa kanya na kahit galing siya sa mga segue, segue, wala kang mararamdamang nagmamaldita siya dahil pagod siya.

“Pero hindi, smile pa rin siya. Talagang napaka-professional, masarap katrabaho ang mga gaya ni Maine na game na game rin,” dugtong ng komedyana.

Ayon naman sa kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Bossing, “Magaling na artista, kahit saan mo isabak ito, action, magaling. Ilagay mo sa comedy, the best. Magaling siya, magaling ang timing.

“Pagdating sa medyo nagkakadramahan na, magaling mangusap ang mata, kaya sabi ko nga kahit ano ang ipagawa mo sa kanya ita-try niyang gawin, pag-aaralan niya hanggang sa maibigay niya ang tamang atake,” sey pa ni Bossing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending